Fans ni Alden atat na atat na sa paglaki ni Sep sa The Gift | Bandera

Fans ni Alden atat na atat na sa paglaki ni Sep sa The Gift

Cristy Fermin |September 20,2019
facebook
share this

Fans ni Alden atat na atat na sa paglaki ni Sep sa The Gift

Cristy Fermin - September 20, 2019 - 12:30 AM

LA MADRIDEJOS AT ALDEN RICHARDS

Sinusubaybayan naming magkakaibigan ang bagong serye ni Alden Richards, ang The Gift, role ng isang bulag na may kakayahang makita ang kinabukasan ang ginagampanan ng Pambansang Bae sa kuwento.

Sa unang sultada ng serye ay ipinakita na agad si Alden bilang si Joseph na alaga ni Jo Berry. Inampon siya nito, nagtitinda sila ng mga prutas sa palengke, nu’ng minsang magkaroon ng kaguluhan sa palengke ay may pumukpok sa ulo ni Alden kaya siya biglang humandusay nang walang malay.

Sa eksenang ‘yun ay binigyan ng extreme close-up ang bida ng serye, kilig na kilig ang mga tagahanga ni Alden, dahil napakaguwapo nga naman ng kanilang idolo.

Kung itsura ang pagbabasihan ay walang makakokontra sa kakisigan ni Alden Richards, pero ang katangiang ‘yun ay nadagdagan nang gawin nila ni Kathryn Bernardo ang “Hello, Love, Goodbye,” aktor nang itinuturing ngayon ang Pambansang Bae.

Napakalaki ng nagawa para kay Alden ng matagumpay nilang pelikula ni Kathryn, tinanghal siyang box-office king, binigyan siya ng iba-ibang titulo dahil totoo namang panahon niya ngayon.

Nasa agahan pa ang kuwento ng The Gift, batang Alden pa muna ang tutok ng istorya, ilang gabi pa ay ipakikita na si Alden Richards bilang si Joseph na itinuring nang anak ni Jo Berry.

Maganda ang ikot ng istorya, nasasabik na ang mga tagasuporta ng Pambansang Bae, kung puwede lang nilang pabilisin ang takbo ng kuwento ay ginawa na siguro nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending