Kylie, Maxine magkaaway pa rin, dahil nga ba kay Jake?

By Reggee Bonoan September 18,2019
share this

Kylie, Maxine magkaaway pa rin, dahil nga ba kay Jake?

By Reggee Bonoan September 18,2019
share this

Ngayong tanghali ang thanksgiving presscon para sa seryeng Los Bastardos na magtatapos na rin very soon.

Ang tanong, dadalo kaya ang mga beauty queen turned actress na sina Maxine Medina at Kylie Versoza?

Sabi ni Kylie, humingi na siya ng sorry kay Maxine at nadala lang daw siya sa kanilang eksena pero may sitsit naman na hindi pa okay ang dalawang dalaga at sa katunayan ay in-unfollow na ng huli ang una sa Instagram.

May chika naman na baka raw nagseselos lang si Kylie kay Maxine na gumaganap na asawa ni Jake Cuenca sa Los Bastardos kaya tinotoo nito ang pagdura sa isang eksena nila sa serye.

Anyway, kung parehong darating sa thanksgiving presscon ang dalawang aktres, mas maipaliliwanag nila sa publiko kung ano talaga ang nangyari.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending