Shayne, Kim waging StarStruck Ultimate Survivors

By Jun Nardo September 17,2019
share this

Shayne, Kim waging StarStruck Ultimate Survivors

By Jun Nardo September 17,2019
share this

SHAYNE SAVA AT KIM DE LEON

Reject sa mga artista search si Alden Richards noon pero hindi ito naging sagabal upang tumigil siyang abutin ang pangarap ng kanyang yumaong ina para sa kanya – ang maging artista.

And look at Alden now? Siya na isa sa most in-demand young actors today at naging box-office king pa dahil sa “Hello, Love, Goodbye” nila ni Kathryn Bernardo, huh!

At sa gitna ng tinatamasang tagumpay, marunong pa rin ang Asia’s Multimedia Star na lumingon sa kanyang pinaggalingan. Tulad ng ginawa niya last Sunday sa Final Judgment Night ng StarStruck Season 7 ng GMA.

Nakipagsayaw siya kina Kim de Leon at Allen Yansay na natirang male finalists at nakipag-duet naman kina Lexi Gonzales at Shayne Sava, ang Final 2 female hopefuls.

Si Kim ang itinanghal na Ultimate Male Survivor habang si Shayne naman ang nagwaging Ultimate Female Suvivor. Tinalo nila sa final showdown ang mahigpit nilang kalaban na sina Lexi at si Allen.

Kapwa may problema sa buhay ang dalawang winners. Si Kim, na mula Batangas ay naninirahan sa isang dorm para sa StarStruck habang si Shayne ay nanghihiram pa ng pamasahe para sa kanyang StarStruck journey.

Dahil sa premyo, hindi na ibebenta ni Kim ang bahay nila sa Batangas at mababayaran na rin ang mga inutang para mapanatili ang laban sa Kapuso artista search.

Pantulong sa pamilya at pag-aaral naman ang unang gagawin ni Shayne sa napanalunang P1 million cash.

Magsilbing inspirasyon din sana sa dalawang StarStruck winners ang pinagdaanang mga hirap at rejection ni Alden sa showbiz para huwag sumuko sa laban dahil sasabak na sila sa tunay na mga hamon ng pagiging artista.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending