Ibinuking ni Jean: Alden biktima rin ng pambu-bully sa showbiz | Bandera

Ibinuking ni Jean: Alden biktima rin ng pambu-bully sa showbiz

Ervin Santiago - September 16, 2019 - 12:45 AM

BIKTIMA rin ng pambu-bully sa showbiz ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Ito ang ibinuking ni Jean Garcia sa nakaraang presscon ng bagong Kapuso primetime series na The Gift. Gaganap silang mag-ina ni Alden sa serye na magsisimula na tonight.

Ayon kay Jean, “baby” ang turing niya sa bagong box-office king dahil matagal na silang magkakilala at ilang beses na rin silang nagkasama sa trabaho.

“Kasi, kasama ko nga siya sa Alakdana (2011), tsaka sa One True Love (2012). Baby ko, baby ko ‘yang si Alden.

“Para ko na siyang kapatid, ganu’n yung turing ko sa kanya. Tapos, di ba, wala na siyang mother, so alam ko yung story ng buhay niya,” kuwento ni Jean.

Natanong sa award-winning actress kung saan nanggagaling ang hugot niya nang sabihin na ilang beses na niyang kinampihan si Alden sa mga naging laban nito noon? May mga nakaaway ba ang aktor?

“Siyempre, hindi ko naman puwedeng sabihin! Basta, every time na kunwari merong mga taong kunwari magmamaliit sa kanya o mag-aano, kakampi ako ng kapatid kong ‘yan. Promise!

“Kasi, di ba, alam mo naman si Alden, napaka-humble, tahimik, nasa isang tabi lang, ganyan. So, pag merong, sometimes na binu-buly-bully siya, so siyempre ako yung kakampi niya,” lahad ni Jean.

Tumigil na ba ang mga taong nam-bully kay Alden? “Hindi naman nila puwedeng bully-hin, kasi nga, siyempre, di ba? Hindi, kasi mali naman yun, di ba? Ang bullying is hindi tama yun, kahit saang ano,” aniya pa.

“At tingnan n’yo naman ngayon, very successful at very blessed si Alden, pero lahat naman ‘yan, he deserves it,” sabi pa ni Jean.

q q q

Samantala, kuwento naman ni Alden hindi na raw dumaan sa familiarity workshop ang halos lahat ng kasamahan niya sa The Gift, kaya ang mga mapapanood ng Kapuso viewers sa serye ay totoong-totoo.

“Para may excitement at para malaman namin ‘yung dynamics ng isa’t isa. Hindi ‘yung merong isang faciliator or isang tao na mag-ga-guide sa inyo para makilala niyo ‘yung isa’t isa. Mas maganda pa rin ‘yung organic,” pahayag ng binata.

Kahit daw mabibigat ang ilang eksena nila sa harap ng mga camera ay kabaligtaran nito ang nangyayari off cam. Lalo na raw ang relasyon nila ni Jo Berry na gumaganap na nanay-nanayan niya sa kuwento. Iba rin daw ang chemistry nila na siguradong magugustuhan ng manonood.

“Siyempre at first, si Jo, medyo awkward so binabasag ko lagi ‘yung wall para hindi mailang sa akin,” sey ni Alden.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit naman ni Jo, lagi raw siyang pinanggigigilan ng binata, “Lagi po niya akong binubuhat, ‘yun po ‘yung lambing niya kasi ayaw niya na napapagod raw ako kaya pini-piggyback niya ako.”

Ngayong gabi na magsisimula ang The Gift sa GMA Telebabad after Beautiful Justice directed by LA Madridejos. Kasama rin dito sina Elizabeth Oropesa, Christian Vasquez, Mikee Quintos, Betong Sumaya, Ysabel Ortega, Tetay, Rochelle Pangilinan, Mikoy Morales at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending