Bus driver pasaway uli | Bandera

Bus driver pasaway uli

Leifbilly Begas - September 11, 2019 - 12:15 AM

YUNG mga pampasaherong bus ipinintura sa kaha (o katawan) ng kanilang sasakyan ang numero ng plaka. Para nga naman madali itong makita at mai-report kung sakaling may gagawing kabalbalan sa kalsada.
May mga bus nga na pati sa bubungan ay nakalagay ang plaka kaya kitang kita ng mga CCTV camera. Para tukoy-tukoy kapag nagkamali.
Hindi rin basta-basta ang pagpapalit ng plaka para makabiyahe kahit na coding.
Bakit kaya hindi rin ito gawin sa mga trak lalo na ‘yung mga 10 wheeler na naghahakot ng lupa, buhangin graba at iba pang construction materials.
Dahil sa alikabok at dumi ay halos hindi na makita ‘yung nakasulat sa kanilang license plate.
Madalas ay nakalagay pa sa lugar ng sasakyan na mahirap maaninag.
Hindi ko rin masabi kung kumupas na ba ‘yung plaka o pinakupas kung pintura para mas mahirap lalong mabasa.
Kung nakasulat sa kaha ng sasakyan at malalaki ang letra at numero, mas makikilala sila.
Kung wala namang gagawing kalokohan ‘yung driver wala naman dapat problema sa kanila.
Kung ako nga ‘yung driver mas okay sakin ‘yun, kesa ako ang mapagbintangan sa ginawa ng iba.
***
Dahil sa sikip ng daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue dahil sa ginagawang MRT Line 7, dumediskarte na rin maging ang mga driver ng pampasaherong bus.
Sa halip na nasa yellow lane lang sila, ginagamit na nila ang lane para sa motorsiklo at pribadong sasakyan para maunahan ang mga kakumpitensyang mga bus.
Ganito na noon, balik na naman sila ulit sa ganito ngayon.
Kailangan nilang kumita, at naiintindihan natin ‘yun, pero hindi ba pwedeng ilagay nila sa tama?
Dahil sa laki nila ay walang magawa ang ibang mga motorista na nasa tamang lane kapag biglang kumabig ‘yung driver ng bus dahil may nakitang kumpol ng tao.
‘Yung tipong nasa fifth o fourth lane mula sa outermost lane (sa kanan) tapos biglang kakabig. No choice ‘yung mga nasa fourth, third, second at first lane kundi ang huminto. Ano nga ba naman ang laban nila sa bus?
‘Yung mga naka-motorsiklo rin singitan nang singitan. Hindi na sila bumababad sa motorcycle lane—’yung lane na may guhit na asul. Kahit na hindi naman kakaliwa ay wala sila sa lane nila.
Tapos kapag biglang bumuhos ang ulan, nagtatago sila sa ilalim ng footbridge.
Minsan sa IBP Rd., tapat ng Batasan High School sa QC sumilong sila sa ilalim ng footbridge at inihilera ang kanilang mga motorsiklo sa kalsada.
Hinaharangan nila ‘yung tatlong lane kaya nagkatrapik.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending