‘Elevate’ ang season 11 ng ISAA | Bandera

‘Elevate’ ang season 11 ng ISAA

Dennis Eroa - September 11, 2019 - 12:15 AM

BAGO ang lahat, nais kong batiin ng mainit na Happy Anniversary ang Bandera. Ito ang ika-29 taon ng Bandera at natitiyak kong magpapatuloy ang tagumpay ng pahayagan sa ilalim ng mga respetadong mamamahayag sa pangunguna ni Dona Policar.
Mabuhay kayong lahat!

Tahimik kung tutuusin ngunit matinik ang Inter-Scholastic Athletic Association (ISAA) na bubuksan ang ika-11 season ngayong Setyembre 19 sa Mall of Asia Arena.
May temang‘‘Elevate’’ ang ISAA sa season na ito at umakyat na rin sa 11 ang mga miyembro nito dahil na rin sa mahusay na pokus nito sa edukasyon at sa palakasan.
Walang dudang ‘‘there’s no way but up’’ kung ISAA ang pag-uusapan sapagkat kaiba sa ibang mga asosasyong pang-isport, nagkakaisa ang mga mastermind ng ISAA.
Normal lang na may tampuhan ngunit dahil sa mga edukado at bukas ang isipan ng mga lider ng ISAA ang lahat ay nadadaan nila sa magandang usapan. Ito siyempre pa ay nag-reresulta sa makinis na liga.
Ang mga kasapi ng ISAA ay ang Air Link International Aviation College, ICCT Colleges, Immaculada Concepcion Colle of North Caloocan, Treston International College, FEATI University, La Consolacion College-Manila, Manila Adventist College, Manila Tytana Colleges, PATTS College of Aeronautics, Philippine Women’s University at Trinity University of Asia.
Upang ihayag ang mga plano ng ISAA ay darating sa sikat na lingguhang Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ang mga astig ng ISAA sa pangunguna ni El Presidente Ruel R. Dela Rosa ng Manila Tytana Colleges at Vice President Andres S. Cristobal ng La Consolacion College of Manila.
Pinamumunuan ni Ed Andaya ng People’s Tonight ang TOPS na kinabibilangan ng mga editor, photographer, reporter, kolumnista mula sa mga pangunahing tabloid ng bansa kabilang na ang inyong Bandera.
Inaasahan din ang pagdating nina Antonio S. Giron, Melanie P. Florentino, Benjamin Hernandez, Jr., PATTS College of Aeronautics; at Jose Lorenzo B. Durian.
Kabilang sa board sina Al Dave Lozano, Joechelle Balagoza, Val Constantine Co, Marcelino Agana, Ronnie Jay Agsalud, Raul Santos, Rogelio Delos Santos, Gina Clarissa Esguerra at Rudolph Valentino Racimo.
Mapapanood ng live sa Glitter.ph facebook streaming ang Usapang Sports na ginagawa tuwing Huwebes ng umaga sa makasaysayang National Press Club.
Sa totoo lang, hindi puwede sa ISAA na ang mga atleta ay hindi magbabasa ng libro at ipapasa ang mga exams.
Hindi rin naman itinatago ng mga lider na ISAA na kumpara sa UAAP o NCAA ay mahihirapang sumabay ang kanilang mga atleta ngunit ito ay hindi nangangahulugang hindi palaban ang ISAA. Kung basketbol ang pag-uusapan ay mainit ang sagupaan lalo na sa pagitan ng La Consolacion at PATTS.
Ang mga paglalabanang isports ay basketball (college at juniors), men’s at women’s volleyball, swimming, table tennis, badminton, chess, bowling at futsal.
Ngunit hindi lang pang-isports, kundi pang kultura at gandang Pilipina pa ang ISAA. Blockbuster ang pagpili sa Ms. ISAA Season 11 sa opening ceremonies na aarangkada alas-11 ng umaga. Hindi rin dito nagtatapos ang kasiyahan sapagkat matapos ang mga bakbakan sa playing court ay nagkakaroon pa ng ISAA Choral Festival at Street Dance Competitions.
Ang ibig sabihin nito ay well-rounded ang mga atleta ng ISAA. Sila ay magandang ehemplo ng tunay na student-athlete.
Affiliated ang ISAA sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at ng Philippine Collegiate Champions League.
Ang saya, saya pag ISAA!

HUWAG LAITIN

Bugbog-sarado. Tambak. Ginawang katatawanan. Kulelat. Ito ang resulta ng kampanya ng Gilas Pilipinas sa China.
Ngunit hindi naman tama bilang mga Pilipino na laitin ang pambansang koponan. Naniniwala akong ginawa nina team captain Gabe Norwood ang lahat upang makipagsabayan sa world stage.
More than ever, kailangan ng mga nasyonal ng ating pang-unawa sapagkat naranasan nila kung gaano kalayo ang kwalidad ng Pinoy basketball pagdating sa internasyonal na tanghalan.
Iwasan lang sana natin ang paghahanap ng mga dahilan o pagtakip sa katotohanan. Sabi ko nga masaklap ang katotohanan. TRUTH hurts but it’s the truth.
Ang dapat nating gawin ay magkaisa upang humanap ng solusyon.
Kaya naman, napakabuti ng pinatatawag na pulong ng pamunuan ng Samahang Basketbol Pilipinas upang tukuyin ang mga pagkakamali ng programang pang-basketbol.
There’s life after the World Cup, peeps!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending