Ivana Alawi napamura, pumalag sa ‘Online Escort Booking: Ako, P4.7M for 2 hours? Ang mahal!

By Alex Brosas September 11,2019
share this

Ivana Alawi napamura, pumalag sa ‘Online Escort Booking: Ako, P4.7M for 2 hours? Ang mahal!

By Alex Brosas September 11,2019
share this

IVANA ALAWI

PINALAGAN ni Ivana Alawi ang lumabas sa isang online escort booking site na nag-feature sa kanya with matching presyo pa.

Nakalagay sa escort booking agency na P4.7 million ang fee ni Ivana isang gabi. 

“There have been several posts going around claiming you can book me for 2 hours at 4.7 million! Ayos yan naisip niyo ipost ah. May tax paba yan at bawas sa booking agency or net na?

“Syet ang mahal pala. Hahahaha! Dali lang pala kumita ng 100 million noh? 

“Hubadera ako sa social media, yes! But I have my limits. I earn my own money the right way.”

‘Yan ang sagot ni Ivana sa issue.

Bagama’t may mga bumatikos ay marami naman ang kumampi sa kanya.

“Hindi kasi lahat ng tao pare pareho mag isip may mga makitid ang utak at hindi kayang sabayan ang gusto mo o gusto ng iba pero sarili mo yan do whatever makes u happy! As long as wala kang inaapakang tao.”

“Okey lang yan, magaling lang talaga magmalinis yung iba. HAHAHAHA.”

“Hindi nakukuha yung respeto the way ka manamit nasa totoong ugali yan.”

“Ok lang yan, hayaan mo lang, basta madami kang pera, at wala ka naman sinasagasaan na tao.”

“Hindi ba pwede pagmalaki niya lang na sobrang ganda ng katawan niya yung ibaa kasi makapag pose lang ng ganyan bastusin agad kasi mga tao rin naman makikitid ang utak…hahaay.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending