Dona Policar, News Editor
YEHEY ba sa mga kababaihan dahil may tatlong female urinals na ang binuksan ng Metro Manila Development Authority kaninang umaga sa tatlong lugar sa Edsa. Isa rito ay ang MRT station sa Ortigas avenue, ang isa naman ay sa provincial bus stop sa may Edsa at Quezon avenue.
Swak na swak daw ang mga urinals na ito sa mga girlet na motorista o maging mga commuter o pedestrian na sa sandaling tawagin ng kalikasan ay hindi na kailangan pang maghanap ng mga fastfood chain o kaya ay restaurant para lang maka-jingle.
Safe naman daw ang paggamit sa mga urinals na ito, sey ni MMDA chairman Oscar Inocentes. Pero sa ilang women’s group, mukhang hindi ito ligtas para sa mga kababaihan. Eh, ikaw ano ba sa palagay mo?
BANDERA, 020510
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.