Pacquiao balik-eskwela na, ibinandera ang student ID sa University of Makati
PROUD na proud na ipinost ni Sen. Manny Pacquiao sa kanyang Instagram account ang kanyang ID bilang estudyante ng University of Makati.
Yes, nagdesisyon na ang Pambansang Kamao na bumalik sa pag-aaral para makuha ang inaasam na college diploma. Caption ng senador sa kanyang IG photo, “Never stop learning because life never stops teaching.”
Tuwang-tuwa naman ang netizens sa pagbabalik-eskwela ni Pacman at tama lang daw ang naging desisyon niya na tapusin ang kanyang pag-aaral para mas mapalawak pa niya ang kaalaman tungkol sa mga national issues.
Bago sumabak sa larangan ng pagboboksing, Elementary lang ang natapos ni ni Pacquiao pero noong February, 2007, nakapasa siya sa high school equivalency exam kaya nagkaroon siya ng high school diploma mula sa Department of Education at nakapag-enroll sa business management course sa Notre Dame of Dadiangas University sa General Santos City.
At ngayon nga, sa edad na 40, balik sa pagiging estudyante ang senador sa University of Makati sa kursong AB Political Science–Local Administration.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.