Nanay ni Rayver nagpaparamdam: Umiiyak ako paggising | Bandera

Nanay ni Rayver nagpaparamdam: Umiiyak ako paggising

Ervin Santiago - September 06, 2019 - 12:50 AM

RAYVER CRUZ

Nagpaparamdam kay Rayver Cruz sa pamamagitan ng panaginip ang kanyang inang si Melody “Beth” Cruz na pumanaw noong Feb. 2 dahil sa cancer.

“May times na every night, parang sunud-sunod, and ang sarap ng feeling na nakakalungkot paggising mo kasi parang totoo siya,” pahayag ng leading man nina Megan Young at Kris Bernal sa afternoon horror-suspense-drama series ng GMA na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

“Parang kapag gusto mo siyang kausapin, tapos maaakap mo na, tapos kapag gusto mo matagal pa yung pagsasama niyo, pero magigising ka na. Tapos, mare-realize mo na panaginip lang pala,” dagdag na kuwento ni Rayver.

Pagpapatuloy pa niya, “Meron akong parang nasa party, round table, magkakausap kaming lahat, pagtingin ko sa left side ko, nandu’n siya. Tapos walang bahid nung hitsura niya nung naospital siya.

“Walang bahid ng sakit, happy siya tapos maliwanag yung aura. Tapos ang naaalala ko, ako yung umiiyak dun sa panaginip. Tapos ako yung yakap nang yakap, parang sinasabi ko, ‘Miss na kita, Mama!’ Tapos, nagising na ako. Iyon yung parang pinaka tumatak sa akin. Umiiyak din ako paggising ko,” aniya pa.

Samantala, sunud-sunod ang blessings na natatanggap ni Rayver simula nang lumipat siya sa GMA 7.

Pagkatapos bumida sa seryeng Asawa Ko, Karibal Ko, kasama sina Kris Bernal at Thea Tolentino, binigyan agad siya ng follow-up project, ito ngang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko with Kris Bernal again and Megan Young.

“Sobrang blessed ako dahil yung trust na ibinibigay sa akin ng GMA Network, para bigyan ng ganitong roles, ng ganitong projects, is hindi ko tine-take for granted. Every day nagdadasal ako kay Lord, nagpapasalamat ako sa lahat ng blessings.

“And now, it’s my job na ipakita sa mga tao, sa mga boss ko na tama naman yung decision, di ba? So iyon,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending