James bagsak ang career dahil sa epal na tatay; butata kina Alden at Daniel | Bandera

James bagsak ang career dahil sa epal na tatay; butata kina Alden at Daniel

Cristy Fermin - August 27, 2019 - 12:40 AM

JAMES REID AT ALDEN RICHARDS

Napag-iwanan na sa karera si James Reid. Si Alden Richards ang tinatawag na Box-Office King ngayon dahil sa matinding tagumpay ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo na malapit nang sumampa sa isang bilyong piso ang kinikita.

Milya-milya na ang agwat sa kanya ngayon ni Alden na lumaki at tumaas ang premium dahil sa “Hello, Love, Goodbye,” sila na ni Daniel Padilla ang pinagsasabong ngayon, out na sa argumento si James Reid.

Pakialamero raw kasi ang tatay ni James Reid, opinyon ng mas nakararami, sobra ang panghihimasok nito sa karera ng kanyang anak kaya lumagapak ang karera ng guwapong aktor.

Ganyan din ang bintang nu’n sa ama ni Alden Richards na si Mr. Richard Faulkerson, nakikialam din daw ito sa takbo ng career ng Pambansang Bae, pero napatunayang ni hindi pala ito nakikialam sa karera ng kanyang anak.

Napakalaki ng ibinagsak ng popularidad ni James Reid, hindi rin kagandahan ang mga komentong lumulutang tungkol mismo sa kanya, lalo na sa kampo ng mga nakakatrabaho niya sa paggawa ng TVC.

Kapag hindi nagbago ang kalakaran sa career ni James Reid ay wala nang mangyayari sa kanya sa karera, habambuhay na lang siguro siyang gagawa nang gagawa ng mga music video na kinahihiligan niya, lalo na kapag nawala pa sa kanya si Nadine Lustre.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending