Anak kinontra ang ama: Sino ang nagsasabi ng totoo, si Dennis o si Julia?

By Cristy Fermin August 25,2019
share this

Anak kinontra ang ama: Sino ang nagsasabi ng totoo, si Dennis o si Julia?

By Cristy Fermin August 25,2019
share this

Malinaw ang mga unang kuwento nang pumutok ang kontrobersiya tungkol kina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto. Nag-usap sa telepono si Gerald at si Dennis Padilla.

  Nagmamalasakit ang ama sa kanyang anak, kaya pinaalalahanan nito si Gerald, umamin naman ang hunk actor na nanliligaw nga ito sa young actress dahil tapos na raw ang lahat sa kanila ni Bea.

 Pero heto si Julia, buong-ningning niyang sinabing hindi raw nanliligaw sa kanya si Gerald. Magkaibigan lang daw sila. Hindi rin daw niya naging boyfriend si Gerald at hindi rin niya boyfriend ngayon, kaya walang inahas at walang nilandi.

 Pinalalabas ngayon ni Julia na sinungaling ang kanyang ama, maliwanag ang kuwento ng komedyante na nag-usap talaga sila ni Gerald, pero iba naman ang pinalalabas ngayon ni Julia.

Mukhang hindi nakapag-ensayo ng kanyang sasabihin si Julia. Komento nga ng isang basher ay walang nakapag-coach sa kanya ng kung anu-ano ang mga sasabihin niya para maging consistent siya.

Sino ngayon sa kanilang mag-ama ang nagsasabi ng katotohanan at nagsisinungaling? Alam na alam ni Gerald Anderson ang totoo.

 Mas maganda nga siguro kung hindi na lang magsasalita si Julia Barretto para hindi siya sumasabit. Marami pa ring kumokontra sa kanyang mga komento, tinatawag pa rin siyang Anaconda, Valentina at iba pang mga negatibong katawagan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending