Mas kilalanin si Gina Lopez sa Genuine Love docu

By Ervin Santiago August 25,2019
share this

Mas kilalanin si Gina Lopez sa Genuine Love docu

By Ervin Santiago August 25,2019
share this

GINA LOPEZ

MAPAPANOOD na ngayong Linggo, ang dokumentaryong Genuine Love na tatalakay sa ilang bahagi ng buhay ni Gina Lopez, na kilalang tagapagtanggol ng kalikasan at kabataan.

Mula sa ABS-CBN DocuCentral, tatalakayin ng Genuine Love ang kabataan ni Gina at ang kanyang ginawang paglisan sa marangyang pamumuhay upang hanapin ang mas malalim na misyon sa mundo.

Lubos na nagdadalamhati sa kanyang pagkamatay nitong Lunes ang kanyang mga tagasuporta, mga katuwang sa adbokasiya, at mga natulungan, na nagsipagbahagi ng kanilang mga kwento at papuri sa sinseridad, determinasyon, at mabuting puso ni Gina.

Tampok din sa Genuine Love ang mga istorya tungkol sa kanya mula sa kanyang mga mahal sa buhay, kaibigan, at katrabaho na dumalaw sa kanyang burol na ginanap sa ABS-CBN. Mapapanood din sa dokumentaryo ang huling interview kay Gina ng batikang broadcaster na si Tina Monzon-Palma noong Hulyo 12.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending