‘I Can See Your Voice’ waging-wagi sa rating | Bandera

‘I Can See Your Voice’ waging-wagi sa rating

Bandera - August 24, 2019 - 01:30 AM

LUIS MANZANO

In fairness, talagang inaabangan ng madlang pipol ang I Can See Your Voice tuwing Sabado sa ABS-CBN. Kaya naman lahat ng episode nito ay trending lagi sa social media at waging-wagi sa ratings game.

Given na siyempre ang galing ni Luis Manzano bilang host ng mystery music game show ng Kapamilya Network na talagang na-master na ang pagpapatawa sa mga manonood. Pero siyempre, bukod kay Luis, inaabangan din ng viewers ang palitan ng jokes at batuhan ng punchlines ng mga Sing-vestigators.

Sa katunayan, may kanya-kanya na ring fans and supporters sina Angeline Quinto, Wacky Kiray, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani at Kalad Karen bilang mga Sing-vestigators.

Sila talaga ang nagpapasabog ng good vibes sa mga Kapamilya na nagpupuyat para makihula sa mga celebrity players kung sinu-sino ba ang mga seen-tunado at seen-ger sa mga contestants.

Sabi nga nila, excited sila laging mag-taping for ICSYV dahil para lang silang naglalaro sa studio. Ito raw ang time nila para mag-relax at magtawanan lang dahil napakagaan at napakasaya ng kanilang trabaho.

Sa huling episode ng I Can See Your Voice last Aug. 17, nakakuha ito ng 17.1% TV rating. Ibig sabihin, talagang inaabangan pa rin ng madlang pipol ang programa kahit medyo late na dahil hindi lang ito nakakatawa at nakakaaliw kundi nakaka-inspire rin dahil sa makabagbag-damdaming kuwento ng mga contestants.

At ngayong gabi, tutukan ang isa na namang episode ng ICSYV na siguradong magpapatawa at magpapasaya sa inyong Sadabo night.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending