Totoo ba, COCO MARTIN dinedma lang ang anak kay KATHERINE LUNA nang ma-confine sa ospital? | Bandera

Totoo ba, COCO MARTIN dinedma lang ang anak kay KATHERINE LUNA nang ma-confine sa ospital?

Jobert Sucaldito - July 24, 2013 - 03:00 AM


Sinilip ko ang passport ko, wala namang nakasaad doon kung ikaw ay single or married. Merong portion doon kung ikaw ay male or female pero yung marital status ay wala kaya safe pa rin si Coco Martin kung sa passport ibabase ng mga doubting Thomases ang kaniyang status.

Puwedeng ma-check ito siguro sa immigration or sa DFA, kung nag-renew siya ng passport with them – kung nag-declare nga siyang married na.

“Puwede namang madaya ang immigration or DFA, di ba? Puwedeng nag-declare siya na single pa rin kahit married na siya to a Canadian citizen. Diyos ko, dito pa ba sa Pilipinas na lahat ay nagagawa nating dayain.

Basta ako, naniniwala akong kasal na si Coco. May nagsabi sa aking very reliable source,” pamimilit ng nang-iintriga kay Coco.
Kami naman, kahit ano pang sabihin (ke mali o tama ang chika), we will respect Coco’s statement.

Nasa kaniya na lang iyon kung siya ay nagsasabi ng totoo o hindi. Ang mahalaga ay hindi niya dinedma ang isyu unlike some stars. Kahit may lituhan portion sa kaniyang sagot, kebs. Ang importante ay nilinaw niya. Ha-hahaha!

Halimbawa lang, for the sake of argument lang, kasal nga si Coco to a Canadian citizen before, ano naman ang problema? Meron ba siyang nilokong babae na pinangakuan ng kasal?

Ibang kuwento naman yung sa kanila ni Katherine Luna, ang isyu lang naman doon ay ang financial support na hindi diumano naibibigay ni Coco sa anak nila.

Other than that, wala naman kaming nakita malaking argumento kung halimbawa ma’y kasal siya o hindi. Nalulungkot lang kami sa isyu about the child kasi somebody texted us na nu’ng na-confine daw ang anak niya sa National Children’s Hospital ay dinedma raw ito ni Coco.

Is this true, Coco? Kasi kung totoo, baka mainis nga kami sa iyo. Pero kung hindi mo naman alam na na-hospital ang anak mo, ibang usapan naman iyon.

Pero as a father, kesehodang magkagalit kayo ng ina ng bata, mas gusto naming ginagampanan ng isang lalaki ang kaniyang responsibilidad bilang ama lalo pa’t meron namang kakayahang tumulong.

Lalo na sa katayuan ni Coco Martin who’s filthy rich now, dapat ay tumulong talaga siya. Kahit saang anggulo mo tingnan, kailangan talaga niyang suportahan ang anak niya. No ifs and buts.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending