Other facts you should know about Da King | Bandera

Other facts you should know about Da King

Djan Magbanua - August 21, 2019 - 11:57 AM

Da King. King of Philippine Cinemas. Ilan lang yan sa kilalang tawag sa pinaka-iconic action star sa Pilipinas. Mula sa kanyang polo, jacket at pants, at maging sa kanyang pamemewang, isang tingin mo lang ay kilala mo na ang pormahan ni Ronald Allan Kelley Poe o mas kilala bilang Fernando Poe. Jr.  Nitong Agosto 20 ang kanyang ika-80th birth anniversary.

Narito ang ilang facts tungkol sa kanya:

Galing sa ‘royalty’ si FPJ dahil ang kanyang amang si Fernando Poe, Sr. na kinilala rin bilang ‘Hari ng Mga Bituin’

Nagsimula siya bilang messenger at stuntman sa Everlasting Pictures bago ang big break nya na nagpasikat sa kanya, ang pelikulang Low Waist Gang.

Naging kontrobersiyal ang pagdeklara sa kanya bilang National Artist nang hindi tanggapin ng kanyang pamilya ang parangal noong 2006 mula kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Si Arroyo ang sinasabing kumuha ng pagkapanalo ni FPJ sa presidential elections noong 2004 dahil sa dayaan. Noong 2012, kinumpirma muli ni dating Pang. Noynoy Aquino ang paggawad ng National Artist Award kay FPJ na tinanggap na ng kanyang pamilya. Personal siyang nag-sorry dahil sa pagka-late. Noong 1977, habang ginagawa ang pelikulang My Little Christmas Tree, na late sa taping si FPJ. Ito ay ikinainis ng komedyanteng si Chichay na nauna ng nagpasabi na kailangan ay 10PM ay tapos na siyang mag-shoot sa kadahilanang hirap ng magmemorya ng linya paglampas alas-diyes na. Sa kwento ni Bibeth Orteza, nagpasama si FPJ na puntahan mismo si Chichay sa bahay nito sa Marikina at personal na humingi ng pasensya. Itinuloy nila ang shooting at natapos naman ito sa oras.

Isa siyang sacristan noong siya ay bata.

Sa fans ni Da King kung mapapadpad ka sa Paoay Sand Dunes ng Ilocos Norte mapapansin mong pamilyar ito. Madalas kasi itong pag-shootingan ng fight scenes ng Ang Panday.

In 2017, kumalat sa social media ang restored wedding video nila ng kanyang asawang si Susan Roces.

Sa isang artikulo ni Homobono A. Adaza sa Manila Times noong 2016, naalala nya ang isang kwento kung saan niregaluhan si FPJ ni dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada ng Mercedez Benz bilang pasasalamat sa kanyang pagtulong sa eleksyon. Agad na tumawag si FPJ at isinauli ang kotse dahil paliwanag nya, ginawa raw nya iyon dahil magkaibigan sila at hindi nya kailangan ito.

Siyam na movies ang dinerehe niya sa ilalim ng pangalang Ronwaldo Reyes at isa na riyan ang Mga Anghel Na Walang Langit na ginawan din ng bersyon sa telebisyon.

Ilan sa mga pelikula ni FPJ ang nirestore ng ABS-CBN ay ipinapalabas pa rin hanggang ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending