Andrea kawawa sa kampo ng ex-GF ni Derek, tinawag na 'fake' | Bandera

Andrea kawawa sa kampo ng ex-GF ni Derek, tinawag na ‘fake’

Cristy Fermin |August 19,2019
facebook
share this

Andrea kawawa sa kampo ng ex-GF ni Derek, tinawag na ‘fake’

Cristy Fermin - August 19, 2019 - 12:20 AM


HINDI na lang pinagkaabalahang sagutin pa ni Derek Ramsay ang mga bashers ni Andrea Torres pero siguradong sobrang hiyang-hiya ngayon ang hunk actor sa kanyang leading lady.

Grabe naman kasi ang mga salitang ibinabato ng mga kampi kay Joanne Villablanca, dating karelasyon ni Derek, laban kay Andeng.

Ang unang pinagdiskitahan ng mga ito ay ang dibdib ni Andrea na ayon sa kanila ay hindi naman natural kundi salamat po, doktor lang.

Retokado rin daw ang kaseksihan ni Andrea, fake, walang-wala raw kumpara sa natural na kagandahan ng dating girlfriend ni Derek.

Mahaba man ang pisi ng pasensiya at malawak ang pang-unawa ng edukadang si Andrea ay natural lang na nasasaktan siya sa grabeng pamba-bash sa kanya ng mga tagasuporta ni Joanne Villablanca.

Ano nga ba naman kasi ang naging kasalanan niya, siya ba ang third wheel sa hiwalayan nina Derek at Joanne, samantalang wala naman siyang kaalam-alam tungkol du’n?

Habang pinipintasan at sinasaktan ng kampo ni Joanne si Andrea ay lalo siyang mapapalapit sa kalooban ni Derek Ramsay. Alam ni Derek ang totoo, hindi si Andrea ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Joanne, kaya hindi dapat kinakaladkad ang kanyang pangalan sa naging problema ng dalawa.

Nakaka-insecure naman kasi talaga ang kaseksihan ni Andrea Torres, siya ang pinagkakaguluhan ngayon ng mga kalalakihan, kaya ganyan na lang ang galit sa kanya ng mga kampi sa ex ni Derek.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending