Ellen buntis na raw sa anak nila ni Derek

Ellen buntis na raw sa anak nila ni Derek, natupad ang wish sa Year of the Dragon

Reggee Bonoan |April 29,2024
facebook
share this

Ellen buntis na raw sa anak nila ni Derek, natupad ang wish sa Year of the Dragon

Reggee Bonoan - April 29, 2024 - 08:54 AM

Ellen buntis na raw sa anak nila ni Derek, natupad ang wish sa Year of the Dragon

BUNTIS na si Ellen Adarna. Ito ang ibinalita ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh na in-upload kahapon, Linggo.

Una ay pa-blind item pang binanggit ni Ogie ang tungkol sa “aktres na buntis ngayon.”

Pero binitin muna ni Ogie kung sino dahil bigla na siyang nagpaalam sa vlog nila pero ipinaalala lang ni Mama Loi kung sino.

Aniya, “Narinig ko lang naman ‘to ha! Ha-hahaha!”

Hirit ni ate Mrena, “Ayan ka na naman kuya (Ogie) sa narinig.”

Baka Bet Mo: Ellen Adarna bet ang katawan ni Miley Cyrus, naghahanap na ng fitness instructor

Sagot ulit ni Ogie, “Hindi, narinig ko lang at saka wala namang diperensya kung magbuntis man siya dahil may asawa siya at sobra nilang mahal ang isa’t isa.”

“Wala naman tayong nababalitaan na may na-link sa kanyang iba kasi nga may asawa siya at happily married sila.”

At binanggit din na ang lalaki ay ginib-ap na ang karir sa showbiz para mag-concentrate na sa kanyang pamilya.

“Nauna nang may anak si aktor doon sa una niyang dyowa di ba, na binata na ngayon.

“Meron ding anak si girl sa kanyang boyfriend noong araw na isang aktor, pareho silang may tig-isang anak.

“At ngayon daw ha, narinig ko lang naman itong napakagandang aktres na huminto rin sa showbiz pero kilalang-kilala pa rin at tumatanggap pa rin ng mga endorsements,” sabi ni Ogie.

Nainip na si ate Mrena, “Kuya ang dami mo nang sinabi, sino ba ‘yun?”

Biro ng content creator, “Wala kang pakialam!”

Kaya nagkatawanan sina Mama Loi at ate Mrena.

Pangungulit ni Mama Loi, “Sabihin mo na, e, mag-asawa naman pala sila, oh.”

“Narinig ko lang naman, e, di itanong natin dito (sa vlog nila) baka kasi i-deny, e, wala rin namang problema,” sagot ni Ogie.

At sa kalaunan ay sinabi na nga niya ang pangalan ng bida sa kanyang blind item, “Gaano katotoo na si Ellen Adarna ay buntis na?”

Nagulat si Mama Loi at masayang sabing, “Ay talaga?! Sana totoo!”

Susog ni Ogie, “Sana totoo ‘no! Sana hindi false alarm. Jusko ang tagal na nilang hinihiling ‘no?”

At nabanggit na kaya nga raw nagpatanggal na ng breast implant si Ellen ay para ready na rin kapag nagpa-breastfeed siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilang beses inulit ni Ogie na sana totoo ang narinig niya.

Kung totoong buntis nga ngayon si Ellen ay matutupad ang pangarap nila ng asawang si Derek Ramsay na ipapanganak ang panganay nila ngayong 2024 na Year of the Dragon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending