Aiko sa Prima Donnas: Wilder, bolder, kasumpa-sumpa!

By Jun Nardo August 15,2019
share this

Aiko sa Prima Donnas: Wilder, bolder, kasumpa-sumpa!

By Jun Nardo August 15,2019
share this


ALL out ang pagiging kontrabida ni Aiko Melendez sa bagong Kapuso afternoon series na Prima Donnas na magsisilbing comeback project niya sa GMA 7.

Naging hit kasi ang isa niyang proyektong ginawa bilang kontrabida (Emilia) kaya naman muli siyang tumanggap ng ganoong character.

“So ngayon, actually pressure po ‘yon para sa akin na magkontrabida uli sa teleserye. Pinag-usapan po namin ‘yon ni direk Gina (Alajar). Sabi ko, ‘Direk, pressure po sa akin ito.’

“Kasi, my role there sa kabilang istasyon (Wildflower) became so iconic. So people kept calling me that name, ‘Emilia, Emilia.’ So nagpatulong ako kay direk Gina.

“So, dito sa Prima Donnas, iba ang atake namin ni direk bilang kontrabida. Dito, kasi mahal na mahal ko lang si Wendell (Ramos) kaya ipakikita rito kung bakit ganoon ako, bakit ganoon siya kasama,” pahayag ni Aiko sa mediacon ng series na mapapanood sa GMA Afternoon Prime simula sa Agosto 19 after Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Aniya pa, “Ibang Aiko naman ang mapapanood nila rito bilang si Kendra, wilder, bolder, simula pa lang magsasabog na agad siya ng kasamaan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending