Ana Roces sukdulan ang kasamaan sa ‘Sahaya’ | Bandera

Ana Roces sukdulan ang kasamaan sa ‘Sahaya’

Bandera - August 09, 2019 - 12:30 AM

ANA ROCES

SUKDULAN na talaga ang poot na nararamdaman ng karakter ni Ana Roces bilang si Irene sa Kapuso epic series na Sahaya.

Very intense na ang mga eksena sa primetime soap ng GMA dahil nalaman na sa wakas ni Sahaya (Bianca Umali) na anak siya ni Harold (Zoren Legaspi).

Makakatikim ng matinding galit at pang-aalipusta si Sahaya mula sa pamilya ni Irene dahil na rin sa pagiging anak nito sa labas.

Pinagkakaisahan na siya ngayon nina Irene at Salida (Snooky Serna), maipaglalaban pa rin kaya niya ang kanyang karapatan bilang anak ni Harold?

Kampi ang Kapuso viewers kay Sahaya at naniniwala silang malalampasan niya ang panibagong pagsubok na ito sa kanyang buhay. Grabe ang pagtatanggol ng mga netizens kay Sahaya at talagang pinalalakas ng mga ito ang kanyang loob para lumaban sa mga kontrabida.

Comment ng isang Sahaya viewer sa kanyang Twitter account, “Sana nga wala na talagang makahahadlang sa gustong mangyari ni Sahaya na makasama niya ang kanyang ama at ina.”

Sabi naman ng isa pang netizens, “Dapat hindi sumuko si Sahaya pati na si Manisan (Mylene Dizon). Laban lang!”

Samantala, muling magbabalik si Ahmad (Miguel Tanfelix) kasabay ng pagdating ng karma kay Hubert (Eric Quizon). Abangan kung ano ang naghihintay na parusa dahil sa kasamaan niya sa mga Badjaw.

Patuloy na tutukan ang mas lalo pang umiinit na mga tagpo sa Sahaya, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending