Kasambahay, ni-rape sa bahay ng ‘amba’ | Bandera

Kasambahay, ni-rape sa bahay ng ‘amba’

Ramon Tulfo - July 23, 2013 - 12:51 PM

ISANG kasambahay na tatawagin natin sa pangalang Hilda ay humahagulgol habang isinasalaysay niya sa inyong lingkod ang mapait na sinapit sa bahay ng kanyang among Nigerian.

Ang kanyang amo ay si Nigerian Ambassador Akinyemi Fahrounde na nakatira sa 10 Anahaw St., Forbes Park, Makati.

Sinabi ni Hilda na siya’y ginahasa ng personal assistant ni Fahrounde na kinilala niya sa pangalang Mr. Filad.

Si Filad ay isa ring egoy na gaya ni Fahrounde.

Sinabi ng pobreng kasambahay na meron siyang menstruation nang siya’y gahasain ni Filad.

Hinawaan daw siya ni Filad ng sexually transmitted disease (STD) o tinatawag na tulo sa salitang kanto.

Dagdag sa kanyang mapait na karanasan ay ang pagmamalupit ng kanyang among babae, na si Mrs. Evelyn Fahrounde, sa kanya nang siya’y nagsumbong dito.

Tinulak daw siya ni Mrs. Fahrounde at bumalandra siya sa aparador.

Ipinakita ni Hilda ang pasa sa kanyang braso sa diumano’y pagkakatulak sa kanya ni Mrs. Fahrounde.

Sinampal din daw siya ni Mrs. Fahrounde at sinabi sa kanya na nilalandi niya kasi si Filad.

Mula daw nang siya’y magreklamo kay Mrs. Fahrounde ay di na raw siya pinakain ng dalawang araw mula noong Sabado.
Tumawag si Hilda sa “Isumbong” at pinakuha namin siya sa local recruitment agency na nagdispatch sa kanya sa bahay ng mga Fahrounde.

Nakuha naman siya ng recruitment agency at dali-daling pumunta siya sa amin.

Di man lang siya binigyan ng ahensiya ng pamasahe.

Kami pa ang nagbayad ng kanyang pamasahe sa taksi na naghatid sa kanya sa aming opisina.

Matapos ang kanyang salaysay sa amin, agad kong pinasamahan si Hilda sa Makati police station.

Pinagagamot din namin si Hilda sa kanyang STD.

Tinawagan din namin kahapon ang tanggapan ng Gabriela party list upang humingi sa kanila ng tulong sa sinapit ni Hilda.

Ang nakausap ng aking mga “angels” sa Gabriela ay isang lalaki na nagpakilalang siya’y security guard lamang.

Sinabi ng lalaki na lahat ng mga opisyal at empleyado ng Gabriela office, kasama ang mga kinatawan ng party-list group sa Kongreso, ay nagsidalo sa State of the Nation Address (Sona).

Sana naman ay matulungan ng Gabriela ang pobreng kasambahay.
qqq

Pero duda ang inyong lingkod na tutulong ang Gabriela, na ang pinagmamalaki ay pagtulong sa karapatan ng mga Pinay.

Napatunayan kasi ng Isumbong na puro dakdak lang ito tungkol sa pagtulong sa mga babaeng mahihirap na inapi.

Ilang beses na rin kaming humingi ng tulong sa Gabriela para sa mga babaeng ginahasa.

Walang tulong na binigay ang Gabriela sa mga babaeng mahihirap na inilapit namin sa party-list group.

Kami na lang ang tumulong sa mga babaeng inapi, umpisa ng pagrereport sa pulisya hanggang sa pagsasampa ng kaso sa piskalya.

Patuloy pa rin naming inaalalayan ang mga babaeng kapus-palad.

Pero kapag ang mga naaapi (kuno) ay mga tanyag na artista na gaya ni Claudine Barretto, na nagsinungaling na siya’y aking sinipa, at Ai Ai delas Alas, mabilis pa sa alas kuwatro ang pagbigay ng suporta ng Gabriela.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anong masasabi n’yo sa pagpipili ng Gabriela kung sino ang kanilang tutulungan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending