SIGHT saving month ang buwan ng Agosto kaya naman hindi dapat pinababayaan o binabalewala kung may iniindang karamdaman ang ating mga mata.
Narito ang solusyon para sa ilang karamdaman sa mata na dapat mong malaman.
Eye bags — Para mabawasan ito, subukang maghilamos ng malamig na tubig sa umaga. Maaari ring gumamit ng basang cotton balls na inilubog sa yelo o pipinong pinalamig. Ipatong ito sa iyong mga mata ng 15 minutos at mababawasan ang pamamaga ng mata. At bago mo itapon ang teabag matapos ienjoy ang mainit na tsaa, alam mo bang may mainam na gamit iyan? Puwedeng ipatong ang gamit na teabag sa iyong mga mata sa loob ng 15 minuto.
Sore eyes — Para magamot ang sore eyes, patakan ng anti-bacterial eyedrops ang iyong mata ng 3 beses sa maghapon o depende sa payo ng doktor.
Maaari mo ring linisan ang iyong mata gamit ang tinatawag na salt solution. Maghalo ng distilled water at katiting na asin. Haluin ito nang mabuti. Kumuha ng cotton balls at isawsaw dito. Ipikit ang iyong mga mata at ipatong ang basang cotton balls sa iyong mga mata.
Dry eyes — Ang nanunuyong mata ay pangkaraniwang sakit ng may edad at ang solusyon dito ay ang madalas na pagpatak ng ‘artificial tears’ na mabibili mo sa botika.
Puwede ka ring magtimpla ng sariling artificial tears gamit ang katiting na asin at isang onsang distilled water. Ihalo itong maigi at gamitin itong pangpatak sa iyong mata. Gumamit ng dropper bilang pangpatak sa mata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.