Yasmien manggugulo sa dental mission; ‘Ed Maluwag’ mag-iimbestiga sa TBATS | Bandera

Yasmien manggugulo sa dental mission; ‘Ed Maluwag’ mag-iimbestiga sa TBATS

Bandera - August 04, 2019 - 12:30 AM

YASMIEN KURDI

Ngayong Linggo ng gabi, iimbestigahan sa The Boobay And Tekla Show ang mga kababalaghang nagaganap sa isang liblib na baryo sa may norte.

Trending kaagad ang kwento ng weeping scarecrow. Upang matuntun ang pinag-ugatan ng lahat ng ito, kinunsulta ng TBATS team kasama ang isang paranormal investigator, si Ed Maluwag.

Mga element nga kaya ang nasa likod ng weeping scarecrow? O hindi kaya mga aliens? Magigimbal kayo sa mga natuklasan ni Ed.

Sa naughty at wacky segment na “What’s In My Pants Challenge,” ang mga lalaki ng Bubble Gang na sina Mikoy Morales, Archie Alemania at Juancho Trivino ay maghuhulaan ng mga misteryosong bagay na nasa loob ng kanilang pantalon. Siguradong gigisingin kayo ng sexy segment na ito.

Sa hidden camera segment naman sa “Pranking in Tandem,” bibiktimahin ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ang grupo ng mga tao na naimbitahan na mag-participate sa isang dental mission.

Siyempre, nandiyan pa rin ang nakatutuwang edition ng “TBATS on the Street” sa paghahanap nina Boobay at Tekla sa metro ng mga tao na kayang sabayan ang kanilang trip sa buhay.

Sa linggong ito, susubukan ng mga matatanong na tukuyin ang “partner” ng binigay na salita. Halimbawa: Spoon=Fork; King=Queen; Fernando Poe: _____? Siguradong hahalaklak kayo sa kanilang mga kasagutan.

At sa patok na patok na “Dear Boobay and Tekla,” susubukan ng funtastic duo na tulungan ang letter sender na kamakailan ay laging stressed sa pino-problema nitong maitim na kili-kili. Hindi lang ‘yan, may isang letter sender din na pinagbibintangan ang kanilang pamilya na mga aswang daw.

Marami pang kasiyahang hatid ang The Boobay And Tekla Show – ang original comedy show na produced ng GMA Network Entertainment Group. Mapapanood ito tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending