SINABI ng Palasyo nananatili pa rin ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III sa kabila ng mga alegasyon laban sa kanya.
“Kagaya ng sinasabi niya, kung sino ang inaakusahan, hayaan nating magkaroon ng imbestigasyon. Pero habang wala pang resulta, the presumption of innocence under the Constitution applies to every person being accused of any wrongdoing,” sabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.
Ito’y sa harap naman ng nakatakdang imbestigasyon ng Senate blue ribbon commitee matapos ang ulat na ang kumpanya ng pamilya ni Duque na Doctors Pharmaceuticals Inc. (DPI), ang nakakuha ng dalawang kontrata sa DOH.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.