Aiko nag-iipon para sa dream house ng 2 anak | Bandera

Aiko nag-iipon para sa dream house ng 2 anak

Reggee Bonoan - July 31, 2019 - 12:10 AM

JAY KHONGHUN, AIKO MELENDEZ, MARTHENA AT ANDREI

ILANG araw nang panay ang post ni Aiko Melendez ng kanyang mga litrato sa social media na may mga caption na hugot lines.

Kapag tinatanong naman namin siya ay hindi niya kami diretsong masagot, wala lang daw iyon. Inisip na lang namin na nadadala lang niya ang kanyang mga linya sa ginagawang serye sa GMA 7 na Prima Donnas.

Anyway, kamakailan ay may magandang litrato na naman siyang ipinost. Ang caption ni Aiko, “Attitude is a choice. And aging gracefully is also a choice. Tired of being my old self. Too lax, Didn’t even care how I look, when I owe to the public. Its never too late to look your best! Proud to be 43.”

Gusto palang i-share ni Aiko ang latest pictorial niya kaya panay ang post ng kanyang mga photo na kinunan sa Zoomburst Studio.

Samantala, dahil parehong abala sa trabaho sina Aiko at boyfriend nitong si Vice-Governor Jay Khonghun ay through video calls na lang sila nagkakausap at minsan ay napuputol pa dahil walang signal.

“Walang signal sa GMA, ate Regs. Kaya putul-putol. Pero okay naman nakakapag-kumustahan naman kami. Sobrang busy kami pareho,” sabi ng aktres nang maka-chat namin.

Kaarawan naman ng bunso niyang si Marthena Jickain nitong Hulyo 28 (Linggo) at nag-celebrate sila sa paboritong hotel ng bagets. Ilang kaanak lang at si VG Jay ang panauhin nina Aiko.

Caption ng aktres sa litrato nila nina Andrei Yllana at Marthena, “Birthday dinner of my mini me. Her favorite restaurant! #spiralbuffet. Love you mimi @jickainmarthena. Happy Birthday again. Food coma day with @andreyllanaa.”

Ang wish ni Aiko para sa mga anak, “5 months na lang raratsada ako! Movies and serye! Save up. My goal! And I will give my kids the most precious gift that I can give them. Our dream house. After all 3 kami till the end of time. In the works sooon dapat hard work lahat.”

As of this writing ay patungong Subic si Aiko para bisitahin ang mga batang may sakit doon. Naipangako kasi niya na pagkatapos ng eleksyon ay dadalaw siya roon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakapangako ako na dadalawin ko po sila kung wala akong ganap. Tinutupad ko lang po ang pangako ko, simple gesture lang. Hindi kami tulad ng iba after election wala na po,” pahayag ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending