Members ng Salvador clan nag-reunion sa ’The Killer Bride’ | Bandera

Members ng Salvador clan nag-reunion sa ’The Killer Bride’

Julie Bonifacio |July 29,2019
facebook
share this

Members ng Salvador clan nag-reunion sa ’The Killer Bride’

Julie Bonifacio - July 29, 2019 - 12:15 AM


KABILANG din ang ‘80s star na si Jobelle Salvador sa The Killer Bride. Laking-gulat ni Jobelle nu’ng makita niya sa look test ang kanyang pinsan na si Maja Salvador at pamangkin na si Janella Salvador.

Clueless kasi si Jobelle kung sinu-sino ang mga artistang kasama niya sa bago niyang project ng ABS-CBN, except for Geoff Eigenmann who plays her son sa inaabangang Primetime Bida teleserye.

“Anak ni Juan Miguel si Janella na pinsan namin. Kasi ang lolo ni Juan Miguel is kapatid ng lolo ko, si Lou Salvador. Pero sa amin alam mo naman wala kaming second-second, first-first. We’re all related. We’re all Salvador,” paglilinaw ni Jobelle nu’ng makausap namin after ng Q&A sa presscon ng The Killer Bride.

Say pa niya, “Actually, for that, si Tita Malu (de Guzman) also is part Salvador. Ha-hahaha! Hindi kasi, may anak si Tita Malu kay Tito ChiChi, the father of Maja. May kapatid si Maja na anak ni Malu, si Luchi.”

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakasalubong naman namin si Malu sa hallway ng ABS-CBN after ng presscon ng TKB kung saan kasama rin siya sa cast.

Pauwi na si Malu going to the parking area ng ELJ Building habang kami naman at ilang members of the press ay papunta sa Media Center.

Nagulat si Ms. Malu tungkol sa sinabi sa amin ni Jobelle na may anak ang tatay ni Maja na dating aktor na si Ross Rival sa kanya. Akala raw niya lusot na siya at ‘di na mababanggit na sa true lang ay apat sila na may connected sa Salvador clan.

She even mentioned it daw kay Maja na sana ‘wag nang mabanggit sa presscon. Say ni Maja sa kanya, “Huwag kang mag-alala ‘Nay, di ko sasabihin.”

Going back to Jobelle, sa pagsasama-sama nilang magkakamag-anak sa set ng The Killer Bride parang reunion na rin ‘yun para sa kanila.

“Doon pa lang actually kami sa look test, nagtatawanan na kami. Pero ‘di ba nga nabanggit nga ni Maja kasi talagang hindi kami ganoon ka-close. Iba na kasi ’yung generation namin. Maja is the same age as my eldest son,” ani Jobelle.

Ate raw ang tawag sa kanya ni Maja at Tita naman si Janella.

Sa pagkakaalam ni Jobelle nasa 86 lahat ang anak ng kanyang lolo na si Lou Salvador at ang tatay naman niya ay ang dating aktor-direktor na si Leroy Salvador.

Ang last teleserye ni Jobelle sa ABS-CBN ay ang ‘You’re My Home nina Richard Gomez at Dawn Zulueta more than two years ago.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

She went to the States after that para alagaan ang kanyang inang maysakit. Pero namatay din one and a half years ago.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending