Gerald asar-talo kina Paulo at Angel: ‘Na-Bea Alonzo ka na ba?’ | Bandera

Gerald asar-talo kina Paulo at Angel: ‘Na-Bea Alonzo ka na ba?’

Bandera - July 28, 2019 - 01:05 AM

PAULO AVELINO AT ANGEL LOCSIN

ASAR-TALO si Gerald Anderson kina Paulo Avelino at Angel Locsin. Ito’y matapos akusahan ng madlang pipol si Gerald ng pagiging “ghost”.

Ang “ghosting” ay millennial term na tumutukoy sa isang taong bigla na lang hindi nagparamdam sa isang karelasyon dahil gusto na niyang kumalas o makipaghiwalay.

Base kasi sa huling statement ni Bea, hindi sila naghiwalay ni Gerald basta na lang daw hindi siya kinausap nito hanggang sa pumutok na nga ang chika na nagkakamabutihan na sina Gerald at Julia.

Kaya naman hindi napigilan nina Paulo at Angel na magpahayag ng suporta para kay Bea. Sa kanyang Twitter posts talagang diretsong sinabi ni Paulo na “ghosting” ang ginawa ni Gerald sa kanilang kaibigan.

“Na Bea Alonzo ka na ba bes? #ghosting,” tweet ni Paulo with matching three ghost emojis.

Tila na-shock naman si Angel sa ginawang patutsada ni Paulo sa ginawang panloloko umano ni Gerald kay Bea. Hirit ni Angel, “Heneraaaaaal!!!!!”

“Heneral” ang tawag ni Angel kay Paulo na kinuha sa karakter niya bilang si Heneral Gregorio del Pilar sa pelikulang “Goyo: Ang Batang Heneral” noong 2018.

Ito naman ang reply ni Paulo kay Angel, “Hoy Darna! Literal ghost na ako dedz na si Heneral.”

Humirit din ang naging leading man ni Bea sa pelikulang “Kasal” nang may magkomento na isang netizen na kahit daw maging maligno siya ay hinding-hindi niya lolokohin at iiwan si Bea.

Sey ni Paulo, “SO ANO ITO?! AYOS LANG MA-MALIGNO WAG LANG MA-GHOST?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending