Duterte ipinatigil ang operasyon ng Lotto at iba pang sugal sa bansa
IPINATIGIL epektibo ngayong araw ni Pangulong Duterte ang operasyon ng Lotto at iba pang sugal sa bansa dahil sa malawakang korupsyon.
Sa isang video message, sinabi ni Duterte na bukod sa Lotto, tigil din ang operasyon ng iba pang lisensiyado at may prangkisa na mga sugal, gaya ng STL, Peryahan ng Bayan at Keno.
Inatasan din ni Duterte ang Philippine National Police (PNP) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tiyakin ang pagpapatupad ng kanyang kautusan.
Sinabi pa ni Duterte na hindi siya susunod sa anumang utos ng korte na naglalayong pigilan ang gobyerno sa imbestigasyon nito sa malawakang korupsyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.