Awra nanindigan sa anti-AIDS campaign para sa kabataan
Hindi mapapalampas ni Awra Briguela ang role niya bilang si Chuchay sa Mga Batang Poz, an iWant series na may free streaming starting today.
“First of all, nu’ng sinabi sa akin ang series na ito ay tinanggap ko siya nang buong puso. I’m willing to be a role model ng mga kabataan. Gusto ko talagang maging inspiration nila para maging aware sila.
“First pa lang, noong malaman ko ang project na ito, tinanggap ko ito ng buong puso. Chinallenge ko ang sarili ko. Alam kong magiging mahirap ang proseso pero alam kong kaya ko ito. Sa sobrang daming hirap na pinagdaanan ko, kaya ko ito,” say ni Awra.
Super proud ang bagets dahil kahit na may maselang eksena ay hindi niya ito inurungan.
“Sobrang proud ako sa sarili ko kasi at the age of 15, ‘yung ganoong eksena, ‘yung ganoong project ay natapos ko. Kapag lumaki ako at tumanda ako at tiningnan ko ‘yung mga nagawa ko ay magiging proud ako sa sarili ko nang sobra-sobra kasi alam ko na makakatulong sa akin ito nang sobra.
“‘Yung maselang eksena na iyon, iyon ang tatatak sa akin kapag tanda ko. Sobrang tapang ko na at the age of 15 ay nakayanan ko ang ganoong eksena.
“Kasi parang kung hindi ko siya tinanggap ay parang isang malaking kaduwagan sa akin bilang isang bata na hindi maging boses sa mga mata ng mga bata kasi sa totoong buhay ay nangyayari naman talaga ang mga ganoong eksena,” he said.
At 15, aware na aware si Awra na may mga taong HIV positive na siyang paksa sa series.
“Sa lugar ko sa Las Piñas, sobrang aware ako. Hindi pa ako artista, hindi pa ako 15 years old ay alam ko na ‘yan.
“Mas malala pa riyan kaya noong nalaman ko ito, sobrang ready ako for it. Lumaban talaga ako kasi alam kong makakatulong ako sa maraming bata at maraming tao,” Awra added.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.