IPINAALALA ni Baguio City Rep. Mark Go ang P1,000 dagdag pensyon na hindi pa naibibigay ng Social Security System.
Inihain ni Go ang House Resolution 6 upang maibigay umano ang second trance ng dagdag pensyon sa mga SSS pensioner bago matapos ang taon.
“Our pensioners were awaiting the release of the second tranche of increase in their monthly pension which was already approved by the President and was supposedly due this year based on the approved Joint Resolution of Congress,” ani Go.
Noong 2017 ay inaprubahan ni Duterte ang pagbibigay ng dagdag na pensyon sa 2.2 milyong SSS pensioners.
Inaprubahan naman ng Kongreso noong 17th Congress ang Joint Resolution 10 para sa pagpapataas ng pensyon na ibinibigay ng SSS—P1,000 na ibinigay noong Enero 2017 at ang ikalawa ay dapat ibigay noong Enero 2019 subalit hindi ito nangyari.
Ang pinakamababang pensyon na ibinibigay ng SSS ay P3,200 sa mga miyembro ng 10 taon bago nagretiro at P4,400 sa miyembro ng 20 taon.
The SSS should not further delay the implementation and release of the next round of pension increase. This will alleviate the poor condition of our pensioners who are receiving meager monthly pension to support their health care requirements,” dagdag pa ng solon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.