1 pang precinct chief sinibak ni Isko Moreno dahil sa maduming kahabaan ng Carriedo
IPINAG-UTOS ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagsibak sa Plaza Miranda police chief matapos namang madaanan ang Carriedo st. na puno ng basura hatinggabi ng Miyerkules.
“Sinong major diyan [sa Plaza Miranda]?” tanong ni Moreno habang inaatasan ang driver na sundan ang ruta isang ruta sa kahbaan ng Carriedo. “Makakadaan pa ba? Walang daan paano pati sa gitna ng kalye eh basura, vendor.”
“Sino nga yung major dito? Sinong [police community precinct] commander dito? Ipa-relieve yan bukas ah. Sinasabi ko na eh,” dagdag ni Moreno sa kanyang Facebook Live.
Bukod sa mga basura, makikita rin ang mga asul na tent ng mga nagtitinda sa kahabaan ng Carriedo st.
Nauna nang ipina-utos ni Moreno ang pagsibak sa Lawton police precinct chief matapos namang makaapak ng dumi ng tao sa Bonifacio Shrine.
Sinibak din ni Moreno ang siyam na miyembro ng Manial Police District (MPD) dahil umano sa pangongotong sa ga illegal vendors.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.