Jane de Leon ‘milyonarya’ agad dahil sa Darna

By Ambet Nabus July 23,2019
share this

Jane de Leon ‘milyonarya’ agad dahil sa Darna

By Ambet Nabus July 23,2019
share this

Biglang dumami ang mga friends and followers ngayon ni Jane de Leon sa social media matapos siyang hirangin bilang bagong Darna.

Patunay na isa pa ring napakahalagang role ang Pinay super heroine na naging parte na ng mga ilusyon at pantasya ng bawat isa sa atin. 

Todo-todo ang pagpapakundisyon ni Jane, ang pag-aaral at panonod ng mga superhero movies at higit sa lahat ay sasabak na siya sa mas intense na physical conditioning para sa mga gagawing stunts at fight scenes.

Biglang pinag-usapan at nagkaroon ng beauty queen aura si Jane dahil sa paglipad niya as the new Darna. Mas dumami rin ang na-curious kung sino siya kaya’t lumobong bigla ang mga followers niya sa socmed.

An indication na tanggap siya ng madlang pipol at inaasahang magbibigay ng ibang kulay at atake as the millennial Darna.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending