Banta kay Yeng: Dapat kasuhan matapos ipahiya ang medical staff ng ospital
POSIBLENG makasuhan si Yeng Constantino dahil sa ginawa niyang panghihiya at ilegal na pagkuha ng litrato ng mga medical professional.
Na-bash nang todo ang Kapamilya singer dahil sa pagpo-post ng photo sa social media ng ilang doktor at medical staff sa isang ospital kung saan dinala ang kanyang asawang si Yan Asuncion.
Naaksidente sa Siargao si Yan at nagkaroon ng temporary memory loss matapos mag-cliff diving sa isang lagoon. Dahil hindi umano hindi naging katanggap-tanggap ang karanasan nila sa ospital, ipinost ito ni Yeng sa social media.
Ayon sa mga nakakita nito, isa itong malinaw na paglabag sa batas na maaaring isampa ng complainant under “Doctor Shaming” at cyber bullying.
Mas tumindi pa ang pamba-bash kay Yeng nang maglabas ng kanyang saloobin ang isang medical student mula sa Siargao, na nagsabing kasama siya sa mga nag-assist kay Yan sa isang ospital sa General Luna.
Sa sunud-sunod niyang tweet, inilabas ng estudyante ang kanyang saloobin sa panghihiya ng singer sa mga doktor at sa isang hospital institution. Narito ang kabuuan niyang mensahe kay Yeng.
“Hello, Miss [Yeng]. I am one of the med students who were with the doctor from General Luna who assisted your husband when he was rushed [to] the hospital. We rushed a patient to Dapa and while we were there, our preceptor was called to assist with your husband’s case.
“I understand that you are frustrated because you are not used to a setting with limited health services.
“Pero please, inasikaso po kayo sa best na makakaya ng staff doon. Ginawa po ang tests na hinihingi ninyo kahit sa tingin ng mga doktor ay hindi kailangan. Nagsikap po na gumawa ng paraan kahit kulang sila sa tao at pasilidad.
“May mga kakulangan man, hindi po solusyon na pahiyain niyo ang doktor, staff, at ospital doon sa social media. Hindi po nakakatulong sa morale sa doktor at staff ng hospital na nagsisilbi doon bagamat mababa ang sweldo at understaffed ang pagpapahiya ninyo sa kanila sa socmed.
“Isa pa po, hindi kayo nagpaalama sa amin na iva-vlog ninyo kami pero isinama niyo kami sa video na pinost niyo. ‘Di ko po inakala na nakuha niyo pa palang mag-vlog habang nandoon tayo sa loob ng X-ray room kahit na sabi niyo ay grabe ang pag-aalala ninyo,” aniya pa.
Mabilis itong nag-viral kaya kaliwa’t kanan ang pambabatikos kay Yeng, lalo na ng mga doktor at nurse.
Sey ni @TianaJane4, “Dear Yeng Constantino, Your one of my favorite singer and I understand your situation but name dropping and taking photos of a staff or any medical professionals is against the law and can be considered as cyber bullying. A hope you think before you click. #cyberbullying.”
Ayon kay @jinbailiamor, “What is Yeng Constantino doing, posting the photo of the Doctor who allegedly neglect her husbands needs? That’s illegal right? Without consent.”
Komento ni @jaicabajar, “I don’t know about you but that post of Yeng Constantino can actually be filed under Doctor Shaming.”
Samantala, nagpasalamat naman si Yeng kay Surigao del Norte 1st district Rep. Francisco Jose “Bingo” Matugas na nangakong gagawa ng “immediate action” para ma-improve ang medical facilities sa Siargao.
“Congressman Bingo Matugas, salamat po sa pakikinig at nakakatuwa po na malaman ang mga plano nyo sa mga hospitals ng Siargao.
“Salamat din po sa puso nyo di lamang po yan para sa mga turista kundi para din po sa mga lokal ng Siargao. Sana din po ay mapaigi ang training sa mga medical personnels para po sa ikakaepektibo ng serbisyo nila. Nakakaexcite po bumalik! Napakaganda po dyan sainyo. Muli po salamat!” pahayag ni Yeng.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.