Julia, Gerald halos isumpa ng madlang pipol 

By Reggee Bonoan July 23,2019
share this

Julia, Gerald halos isumpa ng madlang pipol 

By Reggee Bonoan July 23,2019
share this

JOSHUA GARCIA JULIA BARRETTO AT GERALD ANDERSON

MARAMI ang nanghinayang sa relasyong Bea Alonzo at Gerald Anderson matapos maglabasan ang balitang hiwalay na sila.

Ito’y base na rin sa post ng aktres sa kanyang Instagram account nitong Linggo ng gabi. Aniya, “You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice. ENOUGH.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito, umabot na sa mahigit 400K ang nag-like sa IG post ni Bea at nasa 20K na ang mga nag-comment at halos lahat ay nakikisimpatiya sa aktres. Marami rin ang nagsabing hindi deserved ng aktres si Gerald.

Pawang masasakit na salita naman ang nabasa naming komento tungkol kay Julia Barretto na itinuturong dahilan kung bakit nag-break ulit sina Gerald at Bea. Nabanggit pa nga ang pangalan ng mga ex niyang sina Kim Chiu at Maja Salvador, pati si Sarah Geronimo na pawang masasaya na sa kanilang lovelife.

At dahil sa ginawa umanong kasalanan ni Gerald kay Bea ay bukambibig siya ngayon ng netizens at ng mga taga-industriya. Samu’t saring kuwento rin ang naglabasan tungkol sa pagiging playboy ng binata. 

Pati ang kuwentong childhood crush ng binata si Bea ay nilagyan na rin ng malisya na mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media. Sabi ng ilang netizens baka raw sadyang pinuntirya ng aktor ang dalaga dahil nga pinangarap niya itong makasama.

“Alam mo naman ang mga kabataan sa probinsya mahilig mangarap at siguro masyado siyang nawindang nang maging girlfriend niya si Bea, e, Bea Alonzo ‘yan ‘no!” sabi ng isang katoto.

Dagdag pa ng aming kausap, “Matalino, maganda, mahusay na artista at financially stable, ipinagpalit pa? Saan ka pa!”

Teka, maski paano ay may name na rin naman si Gerald kaya hindi mo rin masasabi na ginamit lang niya ang dalaga, “May name nga, sinisira niya dahil babaero siya!” mabilis na sagot  ng isang katoto.

Anyway, hinihintay pa rin namin ang paliwanag nina Gerald, Bea at Julia tungkol sa kontrobersyang ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending