Sunshine inuulan ng batikos dahil sa paghuhubad sa bagong pelikula: Nakaka-hurt…
WISH granted na ang isa sa mga nasa bucket list ni Sunshine Cruz, ang makagawa ng pelikula sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.
Bibidang muli si Sunshine sa pelikulang “Malamaya” under Spears Films owned by Albert Almendralejo, ALV Films and Cine Likha na idinirek nina Leilani Chavez at Danica Sta. Lucia.
Sa sobrang excitement niya ay tinanggap niya agad ang movie without knowing first kung ano ang role niya. Pero bago sila nagsimula ng shoot, nag-script reading muna sila kaya mas lalo siyang na-excite gawin ang pelikula.
Dedmabels na si Sunshine kung ano ang sabihin ng tao sa mga love scenes niya sa movie with Enzo Pineda.
“Sa ngayon iniisip ko na lang would I really care what other people would think? Panoorin na lang nila and saka nila ako i-judge. Ang importante ngayong estado ko ng buhay, ay ‘yung mga taong mahal ko, at mahal ko na sinusuportahan ako. They don’t judge me. And that’s a huge difference from the past,” lahad ni Sunshine.
Aminado si Sunshine na nasaktan siya sa mga negative comments na nababasa niya sa social media at pati na sa print media.
“Akala nila, kasi nga merong mga headline, ‘Balik paghuhubad.’ Blah-blah-blah. Hindi ko na matatanggal sa kanila ‘yun. Pero, kaya nga dapat panoorin nila, kung meron bang dahilan? Kung meron bang saysay ang mga ginawa ko sa movie? So, panoorin muna nila,” lahad ng aktres.
Inalam rin namin ang reaksyon ni Sunshine sa pag-amin ni Enzo na crush siya ng binata, “Eh, ‘di wow! Hahahaha!”
Thankful naman si Enzo kay Sunshine dahil tinulungan siya na magkaroon ng confidence while doing their intimate scenes.
“Bakit ako? Sanay? Ha-hahaha! Hindi, siyempre, team work ‘yan. Kailangan kasi ako ‘yung dominante. Si Nora (karakter niya) kasi, ‘yung character ko, very, very strong ang personality. Dominante siya even when it comes to lovema-king,” dagdag pa ni Sunshine.
Ang “Malamaya” ay isa sa 10 official entries for full-length movie category sa 15th Cinemalaya Film Festival na magaganap sa Cultural Center of the Philippines theaters simula sa Agosto 2 hanggang 13.
q q q
Muntik na palang ‘di matuloy ang pagsasapelikula ng isa sa controversial films na kasali sa 2109 Cinemalaya Film festival, ang “Malamaya”.
Inamin ng isa directors ng pelikula na sina Lei Chavez at Danica Sta. Lucia na ang daming beses na parang bibitaw na sila na gawin ang proyekto.
“Kasi, ang hirap-hirap hanapin ni Sir Albert (Almendralejo ng Spears Films),” sabay tawa ni Direk Lei.
“It’s really more of, ang dami kasing proseso with the making of the film. And then parang in, out. Nagbabago ‘yung isip ng mga producer na ina-approach (namin). Tapos ‘yung iba, walang sinasabi. So, parang, it’s very tiring. Feeling frustrated na kami.”
Ayon naman kay Direk Nica, “Tapos lumalapit ‘yung deadline, ‘yung give-up na kami today tapos we’ll try again, alam mo ‘yung ganoon?”
Tatlong beses daw sinabi ni Direk Leilani kay Danica na kailan na la nilang mag-submit ng leter sa Cinemalaya telling them that they are backing out.
“Kasi we have to be fair to someone who’s going to take our place. So, siguro mga tatlong beses ko ‘yun sinabi,” lahad ni Direk Lei.
“Tapos sabi ko sa kanya, no. Ha-hahaha! Meron pa ‘yan,” say ni Direk Nica.
“Ayaw pumayag ni Nica. So ako, sige. It cannot be just me ‘di ba who’s going to decide rin. So, what we do, we sleep on it. Tulog muna kami, pahinga. Medyo mataas lang ‘yung feeling, ‘yung ganyan. Kasi stressful gumawa ng pelikula especially kung bago ka’ng direktor. Tapos you’re trying to put so many things together. Mahirap siya.”
Mabuti na lang daw at tinulungan sila ng mga producer nila sa “Malamaya” na sina Sir Albert at Arnold Vegafria na manager din nina Sunshine at Enzo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.