‘Napakaswerte ng magiging asawa’t mga anak ni Alden!’

By Jun Nardo July 20,2019
share this

‘Napakaswerte ng magiging asawa’t mga anak ni Alden!’

By Jun Nardo July 20,2019
share this

ALDEN RICHARDS

Aba, dalawang Concha’s Garden Café pa pala ang bubuksan sa Tagaytay Highlands sa Tagaytay City very soon.

Nalaman namin ito sa tweet photo ng ama ni Alden Richards na si Richard Faulkerson o mas kilala bilang si Daddy Bae.
As we all know, franchisee si Alden ng garden café at meron na itong branch sa Quezon City at Silang, Cavite.

Located sa Midlands Golfer’s Lounge ang isang branch na ngayong Aug. 1 na magbubukas habang ang branch sa Highlands Golfers Lounge ay sa October, 2019 naman ang grand opening.

Exclusive for membership ang Tagaytay Highlands at sosyal ang lugar dahil ilang beses na kaming nakapunta roon dahil sa isang kaibigan.

Sa totoo lang, kahit busy sa kanyang showbiz career, tuloy sa pag-unlad ang mga negosyo ni Alden dahil nandiyan ang pamilya niyang pinagkakatiwalaan niya sa pag-aasikaso nito.

Imagine, napagsasabay ng Pambansang Bae ang kanyang busy schedule sa showbiz at ang pag-aasikaso ng kanyang mga negosyo. Napakaswerte talaga ng babaeng mapapangasawa niya pati na rin ng kanilang magiging mga anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending