Learning system para sa mga OFWs | Bandera

Learning system para sa mga OFWs

Liza Soriano - July 20, 2019 - 12:15 AM

NAG-PARTNER ang Department of Labor and Employment at ang International Labor Organization para sa pagbubuo ng learning system na naglalayong madagdagan ang kaalaman ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa pamamagitan ng pagbibigay ng komprehensibong impormasyon ukol sa overseas employment.

Nilagdaan nina Labor Secretary Silvestre Bello III at ILO Country Director Khalid Hassan ang kasunduan para sa magkasamang pagbubuo ng Post-Arrival Orientation Seminar (PAOS) learning system kung saan bibigyan ang mga OFW ng destination-specific modules ukol sa labor migration.

Mahalagang sumailalim sa orientation ang ating mga OFW ukol sa profile ng bansang kanilang pagtatrabahuhan, kasama na ang kultura at batas nito.

Dapat din na mabigyan sila ng impormas-yon sa kanilang kara-patan at responsibilidad bilang migranteng manggagawa para sa kanilang kabutihan at mga benepisyong nararapat sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa para sa kapakanan ng kanilang pamilya,” ani Bello.

Sa ilalim ng kasun-duan, ang DOLE at ILO ay magkasamang bubuo ng disenyo, konsultasyon at pagsasapinal ng Hong Kong-specific PAOS learning system, at ito ay gagayahin at ipapatupad din sa iba pang Philippine Overseas Labor Offices (POLO).

Kasama sa learning system ang informative videos at assessment and certification system para sa mas malawak na pang-unawa ng OFW ukol sa nilalaman ng PAOS modules, na naglalaman ng kaugalian, kultura, at tradisyon ng bansang pagtatrabahuhan ng OFW, pati na ang poli-tical and regulatory framework ukol sa labor and migration.

Bibigyan din ng impormasyon ang OFW sa kanilang karapatan, at mga nararapat na programa at serbisyo mula sa pamahalaan ng Pilipinas, gayundin ang social support system service mula sa Filipino migrant community.

Ang PAOS, ay isang mandatory requirement sa mga bagong OFW at ibinibigay sa loob ng isang buwan mula sa petsa ng kanilang pagdating sa host country para sa mga kinakailangang impormasyon sa kanilang karapatan, pribilehiyo, at responsibilidad sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending