Young male celeb manang-mana sa ama, may GF na pero tumitikim pa ng ibang putahe

By Cristy Fermin July 20,2019
share this

Young male celeb manang-mana sa ama, may GF na pero tumitikim pa ng ibang putahe

By Cristy Fermin July 20,2019
share this

MANANG-MANA sa pinagmanahan. Sa ganu’n inilalarawan ng mga tao sa kanyang paligid ang isang young male personality. Guwapo siya, galing sa isang sikat na pamilya, pero hindi pa siya pormal na nag-aartista.

Sobrang lapitin ng mga babae ang guwapong male personality, saganang-sagana siya sa paghanga ng mga girls, pero sumentro ang kanyang atensiyon sa isang young female personality.

Kuwento ng aming source, “Matagal nang sila, hindi nga lang sila umaamin nang lantaran. Pero sa mga kilos nila, e, bigay na bigay namang sila na talaga.

“Very open ang male personality sa pagsasabing mahal niya ang girl, ibang-iba raw kasi ang young female personality sa mga girls na nakilala niya.

“Siyempre naman, tuwang-tuwa ang babae, bakit nga naman, e, proud na proud sa kanya ang guy. Pero bakit kaya biglang umasim ang relasyon nila? Ano ang dahilan?” pabiting impormasyon ng aming source.

Totoo ba ang kuwentong inlabey na ang girl sa male personality, pero meron pa palang ibang pinagkakaabalahan ang bagets, kaya dalawa ang kailangan niyang asikasuhin?

Kuwento uli ng aming impormante, “Bagets pa kasi ‘yung male personality, marami pa siyang kailangang matutuhan sa pakikipagrelasyon. Siyempre, nasa age niya ngayon na lahat ng mga girls na humahanga sa kanya, e, gusto niyang maka-close!

“Manang-mana talaga ang bagets sa kanyang pinagmanahan. Sa totoo lang, nu’ng hindi pa nagigising sa katotohanan ang father niya, e, ganyang-ganyan din siya sa anak niya, marami siyang extra curricular activities, marami siyang girls!

“‘Yun ang palaging pinag-aawayan ng parents niya, matunog kasi ang mommy ng bagets, naaamuyan niya kapag may ginagawang kalokohan ang mister niya!

“Nu’ng minsan nga, e, sinugod niya ang guy sa isang hotel, kasama kasi du’n ng mister niya ang isang sexy star na balitang-balitang dinadatungan lang naman ang asawa niya!

“Kaya ‘yung pagiging playboy ngayon ng bagets male personality, e, hindi na nakapagtataka, may pinagmanahan lang siya! Pak na pak ‘yun!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilala n’yo na kung sino ang bagets na male personality?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending