outbrain

Coney sa pagtawag kay Vico ng Mayor Bae: Wag namang ganu’n

By Bandera July 18,2019
share this

Coney sa pagtawag kay Vico ng Mayor Bae: Wag namang ganu’n

By Bandera July 18,2019 - 06:00 PM

CONEY REYES AT VICO SOTTO

Nakiusap ang award-winning actress na si Coney Reyes sa madlang pipol na huwag tawaging “Mayor Bae” o “Babe Mayor” ang anak niyang alkalde ng Pasig City na si Vico Sotto.

Dahil single pa rin hanggang ngayon ang anak nila ni Bossing Vic Sotto, maraming girls (and gays) ang nagpapantasya ngayon sa binatang mayor. Mula nang manalo sa nakaraang eleksyon si Vico ay mas dumami pa ang kanyang admirer.

Proud na proud si Coney sa kanyang anak dahil sa unang buwan pa lang ng panunungkulan nito sa Pasig ay marami-rami na rin itong na-accomplish. Kaya naman aniya, araw-araw siyang nagdarasal sa Diyos na laging gabayan ang anak sa bagong tungkulin nito sa public servant.

“I admire him for his strong convictions that’s why I continue to pray for him and I pray for the people around him.

“I’m asking that God give him wisdom and discernment. Divine wisdom ha, hindi worldly wisdom,” aniya sa isang TV interview.

Nang matanong kung ano ang reaksyon ng veteran actress sa pagtawag ng mga babae kay Vico ng “Mayor Bae” at“Babe Mayor”, ito ang kanyang natatawang tugon, “Huwag naman! Huwag niyong tawagin ganu’n.”

“Actually, tinatawanan lang din naman niya. Wala lang! Kasi for him, everything ang Diyos na ang bahala diyan. ‘Yan pinagpe-pray ko rin nang maayos talaga.

“He would need somebody who is really a godly person,” chika pa ni Coney.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending