Super rich na lalaban kay Vico sa 2025 binanatan ng netizens

Super rich na lalaban kay Vico sa Pasig sa 2025 binanatan ng netizens

Reggee Bonoan - October 01, 2024 - 05:24 PM

Super rich na lalaban kay Vico sa Pasig sa 2025 binanatan ng netizens

Julius Babao, Sarah Discaya, Curlee Discaya, at Vico Sotto

SHOOKT kami sa latest vlog ni Julius Babao tungkol sa negosyanteng si Sarah Discaya kasama ang asawang si Curlee Discaya.

Kakandidatong mayor ng Pasig City sa 2025 elections si Sarah at makakalaban nga niya ang kasalukuyang mayor ng siyudad na si Vico Sotto.

Pinlex kasi ni Gng. Sarah ang kanyang luxury cars na aabot sa 40 klase tulad ng Bentley, Mercedes-Maybach GLS, Rolls-Royce Cullinan (natuwang bulhin dahil sa payong), Jaguar, Porsche, Maserati, Gladiator Jeep, Lincoln Navigator, GMC Denali, Grand Wagoneer, Suburban, Alphard, Dodge Ram, Tundra Toyota, Toyota Sequoia, Volvo, Range Rover, Land Rover Defender, Lexus, Ford Bronco, GMC Savana, BMW, Mercedez at Benz Sprinter.

Baka Bet Mo: Coney Reyes never nakialam sa lovelife ni Vico Sotto: Hindi ako strict!

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Katwiran ni Sarah ay natuwa siya sa mga kulay at design kaya niya pinagbibili ang mga naturang sasakyan bukod pa sa nagagamit din nilang pamilya. May dalawa rin siyang artista van dahil gusto raw niya ang feeling kapag nakasakay siya sa mga ito.

Nakaparada ang 40 mamahaling sasakyan sa buong parking lot ng kanyang gusali kung saan naroon din ang kanyang opisina.

“When the clients saw our luxury cars, they know that we have the capacity to execute the projects, this part of our resumé (having luxury cars) kapag nag-a-apply ka ng trabaho at may abilidad ka,” katwiran ni Sarah.

At dahil tubong-Pasig naman ang mag-asawa kaya naisip ni Sarah na pasukin ang politika para makatulong sa mga nangangailangan at kaya rin niya ipinakita ang kabuhayan nila ay para malaman ng constituents na hindi sila mangungurakot in case manalo siya.

Pero mukhang butas ng karayom ang papasukin ni Sarah dahil lahat ng komentong nabasa namin sa thread ng vlog ni Julius ay hindi siya gusto.

“Maraming yumaman na construction company connected sa DPWH.”

“Kung totoo ang intention ng pagtulong, cguraduhin nio muna na di kau tatakbo.sa.eleksyon.”

“Muntik na ako bumilib tapos DPWH pala, ‘yun lang.”

“To this challenger, thank you for revealing early on what is valuable to you. We don’t need you in Pasig.”

“We want Vico for president when he is ready!”

“Well, karapatan nman nyang tumakbo pero Hanggang dun nlang Yun. Mayor Vico proved already that good governance is what matters to Pasiguneño. Pasig is in good hands w/ mayor Vico.”

“Pasig is already in good hands with Vico. No reason at all to change leadership for now. Trying to flex your wealth to intimidate someone is absurd and insulting to the locals.”

“I know Pasigeños are Intelligent voters, they showed it before they will do it again this time.”

“We dont need luxury car we need good governance surely that u don’t have.”

“Solid Mayor Vico Sotto.”

Vico is the kind of leader we Filipinos need!”

“St. Gerrard’s head office, where those luxury cars are parked, is located in one of Pasig’s poorest barangays. Think about that.”

“So what if she’s rich? The more we appreciate our now Mayor Vico Sotto. HE IS GOD-FEARING, EFFICIENT, A PUBLIC SERVANT BY HEART. And NEVER FLAUNT HIS Billionare FATHER and FAMOUS PARENTS.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hayaan nyo tumakbo, gumastos ng malaki tapos wag nyo iboto.”

“Red flag agad ito. Wag iboto!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending