Former member ng Girltrends sa Showtime napiling kapalit ni Liza bilang Darna
NAKAPILI na ang ABS-CBN at Star Cinema ng papalit kay Liza Soberano bilang Darna.
Ang maswerteng napili para sumigaw ng “Darnaaaa!” sa big screen ay ang dating member ng grupong GirlTrends sa Showtime na si Jane de Leon.
Mismong ang ABS-CBN Films’ Managing Director na si Olivia Lamasan ang nag-announce nito kasabay ng pagsasabing “unanimous decision” ng management ang pagkakapili kay Jane.
“Natuwa nga ako na isa siya sa mga nag-audition. Sabi ko ay there’s something about her. Pati si Direk Lauren (Dyogi) said there’s something about her. Bilang filmmakers, may nakikita kami. Malakas ang instinct ng bata,” pahayag ng managing director.
Dagdag pa ng ABS-CBN executive, “‘Yung Darna story natin ngayon is a genesis story, a coming of age. Ang requirement talaga is somebody na young and with an air of innocence but at the same time a strength of character.”
Aprubado naman kay direktor ng “Darna” na si Jerrold Tarog ang pagbibida ni Jane sa pagbabalik sa big screen ng iconic Pinay superhero. Aniya, “there is something unique about her.”
“Pinresent na si Jane sa amin a couple of years ago, and among all the 13 noon na Mr. M (Johnny Manahan) presented from Star Magic, natatandaan ng isang talent handler na ‘Inang. napansin mo na siya noon, itong batang ito pwedeng sumali ng beauty pageants.
“And then I saw her again in ‘Halik.’ Sabi ko, ‘itong batang to, meron.’ There’s something about her,” ani Direk Jerrold.
Bukod sa pagpe-perform noon sa It’s Showtime, napanood na rin si Jane sa mga Kapamilya teleserye na La Luna Sangre at Halik kung saan gumaap siyang kapatid ng karakter ni Jericho Rosales.
“I will do everything and anything for the role because I believe in her, I believe in what Darna stands for,” ang tugon ni Jane nang tanungin kung handa na ba siyang lunukin ang mahiwagang bato ni Darna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.