PNP nagbantang babawiin ang kasunduan sa 'Ang Probinsyano' matapos ang rape ng scene ng lady cops | Bandera

PNP nagbantang babawiin ang kasunduan sa ‘Ang Probinsyano’ matapos ang rape ng scene ng lady cops

- July 16, 2019 - 05:30 PM


NAGBANTA ang Philippine National Police (PNP) na ikakansela ang Memorandum of Understanding (MOU) na pinirmahan sa mga opisyal ng ABS-CBN matapos ang eksena sa seryeng Ang Probinsyano kung saan ni-rape ng mga miyembro ng sindikato ang dalawang babaeng pulis.

“In light of the concern raised by netizens and police officers on ‘Ang Probinsyano’ scene where policewomen in uniform were being harassed and raped, we will talk to the production staff of ABS-CBN and look at possible violation of our existing Memorandum of Understanding,” sabi ni PNP Deputy Spokesperson Lt. Col. Kimberly Molitas.

Matatandaang pinirmahan ang MOU sa pagitan ng PNP at ABS-CBN noong Nobyembre 2018, kung saan pinayagan nito na gamitin ang mga uniporme at kagamitan ng mga pulis, bagamat kailangan ng superbisyon ng mga opisyal ng pulis.

“Depending on the extent of the violation we may warn them or rescind the said MOU,” sabi ni Molitas.

Base sa Hulyo 15 episode ng Ang Probinsiyano, makikitang ginahasa ng aktor na si Baron Geisler na kilala sa karakter na Bungo na ginagahasa ang isa sa mga babaeng pulis.

Binatikos ng mga netizens ang eksena, sa pagsasabing dapat maging sensitibo ang production team sa isyu ng rape, samantalang tinawag naman ito ng iba na kawalan ng respeto sa mga unipormadong opisyal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending