Juday balik-primetime, pasok na sa ‘Ang Probinsyano’ | Bandera

Juday balik-primetime, pasok na sa ‘Ang Probinsyano’

Ervin Santiago |July 15,2019
facebook
share this

Juday balik-primetime, pasok na sa ‘Ang Probinsyano’

Ervin Santiago - July 15, 2019 - 06:05 PM


PASOK na rin si Judy Ann Santos sa Kapamilya primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Balitang nagsimula nang mag-taping ang Soap Opera Queen ngayong araw, base na rin sa Instagram post ng kanyang manager na si Biboy Arboleda.

Sa nasabing litrato, makikitang nakasuot si Coco ng police uniform bilang si Cardo Dalisay, habang tila kararating lang sa set ni Juday.

Sa post naman ng @officialjudayph, ang official IG fan page ng aktres, makikita sila ni Coco na magkayakap. Mainit daw na winelkam ni Coco at ng buong Probinsyano production si Juday.

Ito naman ang caption ng Dreamscape PR officer na si Eric John Salut sa mga litrato nina Juday at Coco, “Ang pinakaabangang pagsasama ng hari at reyna! Abangan sina Coco at Juday sa ANG PROBINSYANO!”

Wala pang inilalabas na detalye ang Dreamscape Entertainment kung ano ang magiging role ni Juday sa serye. Pero inaasahan ng kanyang fans and supporters na magiging markado ang guesting ng aktres sa serye ni Coco.

Ngayon pa lang ay inaabangan na ng madlang pipol ang special appearance ni Juday sa Probinsyano dahil ilang taon na rin siyang walang serye.

Balitang malapit na ring ipalabas ang bagong drama series ni Juday sa ABS-CBN, ang Starla kung saan makakatambal niya si Raymart Santiago na napapanood din ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending