Lie, Yamyam, Ashley, Kiara pasok sa final Big 4; Kuya may pasabog sa Big Night | Bandera

Lie, Yamyam, Ashley, Kiara pasok sa final Big 4; Kuya may pasabog sa Big Night

Ervin Santiago |July 16,2019
facebook
share this

Lie, Yamyam, Ashley, Kiara pasok sa final Big 4; Kuya may pasabog sa Big Night

Ervin Santiago - July 16, 2019 - 12:20 AM

LIE REPOSPOSA, YAMYAM GUCONG, ASHLEY DEL MUNDO AT KIARA TAKAHASHI

Tuloy ang laban nina Lie Reposposa, Yamyam Gucong, Ashley del Mundo, at Kiara Takahashi hanggang dulo matapos tanghaling “batch winners” ng kani-kanilang batch sa PBB Otso nitong nagdaang noong Sabado.

Ang apat ang nakakuha ng pinakamataas na boto mula sa madlang pipol at sigurado na ang puwesto sa paparating na Big Night na magaganap ngayong Agosto 3 at 4 (Sabado at Linggo).

Sa Batch 1, nakamit ni Lie ang 37.48% ng total public votes, samantalang nakuha naman ni Yamyam sa Batch 2 ang 52.9% nito. Gaya nila, nanguna rin si Ashley na nakakuha ng 63.38% total public votes sa Batch 3 at si Kiara na nakakuha naman ng 50.24% ng total public votes sa Batch 4.

Bukod naman sa puwesto sa Big Night, nag-uwi rin sila ng P100,000 bilang premyo.

Samantala, isang malaking anunsyo ang ibinandera ni Kuya: sa halip na apat, walong housemates ang tutuntong sa Big Night.
Napunan na nga ng batch winners ang unang apat na puwesto, at maaari namang paglabanan ng iba pang housemates ang natitira pang apat sa magaganap na “Pinoy Big Batch-Bakan.”

Sino nga kaya sa mga palabang housemates ang makakatuntong sa Big Night?

Panoorin ang PBB Otso, gabi-gabi sa ABS-CBN. Mapapanood din ang PBB Otso Gold sa Kapamilya Gold pagkatapos ng Los Bastardos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending