Vance Larena: Dapat maging natural sa akin ang pagmumura | Bandera

Vance Larena: Dapat maging natural sa akin ang pagmumura

Alex Brosas - July 15, 2019 - 12:30 AM

FOR Vance Larena, bongga at markado ang role niya sa “Open”, isa sa official entries ng 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino.

Kabaliktaran kasi niya ang kanyang character, palamura siya sa movie which stars JC Santos and Arci Muñoz.

“Ang challenge siguro ay kailangang maging natural sa akin ang magmura, ‘yung kadumihan ng bunganga. Nagkataon lang na super close kami ng character ni JC. Siya naman kabaliktaran ko dito, tahimik lang siya.

“Inaral ko muna ‘yung script, dinagdagan ko ng kung anong flavor ang maibibigay ko. Wala po akong masasabi kung sino ang peg ko. Lumabas na lang siya nang kusa,” kuwento ni Vance.

Nakadalawang movie na siya sa PPP, ang “Bar Boys” and “Bakwit.”

“I was the head master in Bar Boys na na-involve sa hazing. Dahil naman sa Bakwit Boys, ‘yun ang nagbukas sa akin ng maraming pintuan sa industriya.

“Masayang-masaya ako kasi tuloy-tuloy ang pagpasok ng blessings. Minsan may mga hindi na nagagawa kasi hindi na kaya ng schedule. Thankful ako na unti-unti ko nang nararating ang ga pangarap ko,” say ng binata na busy sa taping ng Nang Ngumiti Ang Langit dahil three days ang taping niya every week.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending