Kathryn, Alden parehong marespeto kaya ‘good karma’ | Bandera

Kathryn, Alden parehong marespeto kaya ‘good karma’

Ambet Nabus |July 14,2019
facebook
share this

Kathryn, Alden parehong marespeto kaya ‘good karma’

Ambet Nabus - July 14, 2019 - 01:10 AM

KATHRYN BERNARDO AT ALDEN RICHARDS

HINDI mo nga mahahanapan ng negatibong isyu ang tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards ngayong kasagsagan ng promo nila para sa “Hello, Love, Goodbye.”

Pareho naman kasing mabait at marespeto ang dalawa kaya’t maging ang respective TV networks nila ay todo ang suporta sa kanilang first movie together na idinirek ni Cathy Garcia-Molina.

Gustung-gusto namin ang pag-amin ni Alden na kahit isa siyang Kapuso at sa GMA 7 sumikat, ay hindi niya matatawaran o makukuwestiyon ang magandang sistema ng Star Cinema, pati na ang ABS-CBN pagdating sa kalidad ng kanilang pagtatrabaho.

Ang feeling naman namin ay sumang-ayon dito ang ilang executives ng GMA 7 pati na ang news department ng istasyon na naimbitahang ikober ang grand presscon ng “Hello, Love, Goodbye” early this week.

Bukod kasi sa well-attended ang presscon, mas may interaction at involve kahit ang mga nasa ibang bansa na merong TFC, plus hindi PR na PR ang aura na bawal sumagot o mag-share kahit ng mga boring na tsika ng ilang artista na sila-sila lang ang nakaranas sa isang buwan nilang shooting sa Hong Kong. Ha-hahahaha!

Napangiti na lang ang isang top executive ng GMA 7 nang intrigahin namin kung hindi ba sila nainsulto na nang dahil sa isang project with Star Cinema ay nagawa ni Alden Richards ang magpapayat at mas palutangin ang kanyang young-looking aura and gorgeous body?

Sure kasi kaming may existing rule ang Kapuso network sa mga artists nila pagdating sa pag-maintain ng kanilang itsura at katawan.

And considering na puro mga lead roles ang ibinibigay nila sa magaling at guwapong aktor, parang ngayon lang yata talaga naipakita ni Alden ang kanyang aura na lumebel nga sa listahan ng mga masasabing “gorgeous men of showbiz.”

Isang bonggang sagot lang ang tinuran ng kausap namin, “Sa amin din naman siya babalik at magtatrabaho, di ba? And we believe that he will stand firm to his promise that he will maintain that refreshing look and hunky body.”

Ay, oo nga naman kapatid na Ervin, sila nga rin naman ang makikinabang sa pinag-uusapang sex appeal at charisma ngayon ni Alden na lumutang talaga ang pagkaaktor sa “Hello, Love, Goodbye” base na rin sa mga naging pahayag ni Direk Cathy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending