Uge nakipagsabwatan sa TBATS, UAAP cagers nabiktima | Bandera

Uge nakipagsabwatan sa TBATS, UAAP cagers nabiktima

Bandera |July 14,2019
facebook
share this

Uge nakipagsabwatan sa TBATS, UAAP cagers nabiktima

Bandera - July 14, 2019 - 12:25 AM

EUGENE DOMINGO

DAHIL winner na winner pa rin sa ratings game at sa puso ng mga manonood ang The Boobay And Tekla Show, isa na namang winning episode ang handog nina Boobay at Super Tekla ngayong Linggo ng gabi.

Abangan ang mga nakakalokang eksena sa “Prank That Ball” para sa hidden camera segment na “Pranking In Tandem” kasama ang award-winning actress at TV host na si Eugene Domingo. Ang mga biktima: UAAP basketeers na mapapanood rin sa Sunday comedy anthology na Dear Uge.

Umaatikabong walwalan naman ang magaganap sa favorite n’yong KMJS parody segment. Siguradong mae-enjoy ninyo ang nakakaantig na kwento ng dalawang estranghero na brokenhearted teenagers na magdedesisyong magpakalasing sa tuktok ng isang building. Ang dalawang teenagers ay may madidiskubre na magreresulta sa kanilang suntukan.

Sa letter-reading segment naman na “Dear Boobay & Tekla” sasamahan ni Uge ang dalawang host para magbigay ng nakakaaliw na advice sa mga nagpdala ng liham.

Meron din silang pa-whisper challenge kung saan makakasama ang cast ng Dear Uge. Dito sasabak sina Jo Berry, Divine Aucina, Jelai Andres at Dave Bornea sa isang live challenge na siguradong hindi n’yo kakayanin!

Mag-enjoy din sa isa na namang katawa-tawang Q&A sa kalsada kasama ang TBATS. Susubukang sagutin ng mga pedestrians ang nakakalitong katanungan nina Bookay and Tekla upang manalo ng cash.

Handog ng Entertainment Group ng GMA Network, ang laging trending at top-rating na The Boobay And Tekla Show ay napapanood pa rin tuwing Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending