Alden napaluhod, niyakap si Cathy Molina sa presscon ng 'HLG': Dream come true po! | Bandera

Alden napaluhod, niyakap si Cathy Molina sa presscon ng ‘HLG’: Dream come true po!

Ervin Santiago |July 11,2019
facebook
share this

Alden napaluhod, niyakap si Cathy Molina sa presscon ng ‘HLG’: Dream come true po!

Ervin Santiago - July 11, 2019 - 12:35 AM

NAPALUHOD at yumakap nang mahigpit kay Cathy Garcia Molina ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa ginanap na presscon ng pelikula nilang “Hello, Love, Goodbye” sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Naging emosyonal kasi ang Kapuso actor habang ikinukuwento ang naging journey niya sa pelikula nila ni Kathryn Bernardo. Aniya, dream come true para sa kanya ang maidirek ng blockbuster director na si Cathy Molina sa isang pelikula.

“Kasi even before pa lang po ako mag-artista, fan na po ako ng Cathy Garcia-Molina films, especially One More Chance and hindi lang ‘yun ang napanood kong pelikula ni Direk, madami pa,” unang pahayag ng binata.

Dagdag pa niya, “So parang dream come true for me, pinangarap ko talaga na makaarte sa harap ng camera ni Direk Cathy kasi fan po ako ng mga pelikula niya,” sabi pa ng aktor.

Dito inamin ni Alden na nag-audition din siya noon sa mga reality programs ng Kapamilya network, “Actually, hindi po ito ang unang beses na pagtapak ko sa ABS-CBN, I was 14 when I first came here and nag-audition po ako sa mga reality shows nila.

“Pero ngayon doing a project with ABS and Star Cinema, medyo overwhelmed, nanibago, kasi siyempre hindi ko din in-expect na pwedeng posible na ang isang GMA actor ay makakatapak sa ABS-CBN, and I’m really thankful for the opportunity given to me by GMA for letting me do this film. Masaya po ako,” lahad ng binata.

Nang magsalita naman si Direk Cathy, todo ang papuring ibinigay nito kay Alden. Inamin nito na wala pa siyang napanood na pelikula o teleserye ng binata kaya wala siyang idea kung ano ang kaya nitong ibigay para sa kanilang pelikula.

“Tapos nu’ng magsimula kami, sabi ko mukhang marunong umarte ‘tong batang ‘to. Nagkamali ako, hindi siya marunong, magaling siya. Thank you Alden,” ang papuri ni Direk Cathy sa binata.

Dito na naging emosyonal si Alden at talagang lumapit sa kanilang direktor, lumuhod sa harap nito at yumakap nang mahigpit na tumagal din ng ilang segundo.

Showing na ang “Hello, Love, Goodbye” sa mga sinehan nationwide sa July 31, under Star Cinema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending