KC minalas uli ang lovelife, walang swerte sa lalaki

By Cristy Fermin July 11,2019
share this

KC minalas uli ang lovelife, walang swerte sa lalaki

By Cristy Fermin July 11,2019
share this

PIERRE PASSART AT KC CONCEPCION

SA isang panahon na ang inaasahan ng mas nakararami ay sa altar na hahantong ang pakikipagrelasyon ni KC Concepcion sa kanyang French boyfriend na si Pierre Emmanuel Passart ay mukhang nausog na naman ang kanilang romansa.

Kay KC mismo nanggaling na single lady na siya ngyon, libre na siya, tapos na ang relasyon nila ng French filmmaker.

Nagtatagal naman ang mga relasyon ng dalaga, kaya lang ay sa hiwalayan din ‘yun nauuwi, hindi pa dumarating ang lalaking makakasama niya na habambuhay.

Kunsabagay ay bata pa naman si KC, hindi pa siya namimiligrong maiwanan ng biyahe, marami pa siyang makikilala at mamahalin niya na magmamahal din sa kanya.

Maraming nagsasabi na sa isang Pinoy pa rin ang suwerte ni KC. Nagmamahalan sila ni Pierre, nandu’n na ‘yun, pero siyempre’y iba pa rin ang karelasyong magkapareho sila ng kultura.

Dulo sa dulo ang diperensiya ng kanilang lahi, sa pagkain na lang, kahit pa naka-adjust na si KC ay iba pa rin ang lasa ng sariling atin.

At malay naman natin, baka isang araw ay magkasundo uli sila ng French filmmaker, kaya huwag na tayong magulat kung i-post man ng dalaga ni Sharon Cuneta na maligaya na uli at kumpleto siya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending