Controversial actor walang babalikan sa iniwang TV network, kontrata expired na | Bandera

Controversial actor walang babalikan sa iniwang TV network, kontrata expired na

Cristy Fermin |July 09,2019
facebook
share this

Controversial actor walang babalikan sa iniwang TV network, kontrata expired na

Cristy Fermin - July 09, 2019 - 12:40 AM

NAUNSIYAMI ang matinding pag-asa ng mga loyalista ng isang guwapo at magaling na aktor na malapit na siyang bumalik sa trabahong nagbigay sa kanya ng magandang kapalaran.

Konting paghihintay na lang daw at balik-acting na uli ang sikat na male personality, malapit na malapit na raw ‘yun, kaya hindi na maiinip ang kanyang mga tagahanga.

Pero hindi naman pala magaganap ‘yun sa lalong madaling panahon, maiinip talaga ang kanyang mga tagahanga, dahil wala naman palang naghihintay na trabaho para sa kanya sa network na pinagseserbisyuhan niya.

Kuwento ng aming source, “Walang trabahong nakalinya para sa kanya sa network, as in, wala, dahil hindi na siya contract star ng istasyon. Walang kahit anong nakahandang work sa kanya, kasi nga, nag-lapse na ang time na dapat, e, nag-renew siya ng contract niya!

“Pinabayaan niya kasi ‘yun, e! Naghihintay sa kanya ang network, pati ang production outfit nila, pero bigla na lang siyang nawala! Alangan namang ang network pa ang maghabol sa kanya, di ba?

“Matagal silang naghintay, pero parang wala namang pakialam ang male personality, parang gusto na niyang magpahinga talaga sa pagtatrabaho,” simulang chika ng aming impormante.

Hindi naman pala sa network nanggagaling ang mga kuwentong babalik na siya, walang kahit anong istoryang ganu’n na sila ang pinagmumulan, kaya sino kaya ang nagpapakalat ng mga ganu’ng senaryo?

Patuloy ng aming source, “Hindi nila alam kung sino ang nagpapakalat na babalik na siya, pero ang malinaw, e, hindi ’yun nanggagaling sa network!

“Bakit nga naman nila ilalabas ang ganu’ng kuwento, e, alam naman nila na wala nang contract sa kanila ang male personality?

“So, puwedeng sa kanila rin nanggagaling ang mga ganu’ng palutang! Baka ‘yun ang pain nila para kunin siya uli, dahil marami palang nag-aabang sa pagbabalik niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku, kasi naman, pagkaganda-ganda na ng takbo ng career niya, pero naglukring-lukringan ang male personality na ‘yun! Ano ngayon ang napala niya?” nakairap na pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan pa ba namang
i-memorize kung sino ang guwapo at sikat na male personality na ito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending